Ang pagdadaanan ng milyon-milyong boypren sa Pinas
February 24, 2009Sa binatilyong pananaw mo, sunod na siguro sa balitang sampung linggo nang delayed ang period ng girlfriend mo, ang balitang gusto kang makilala ng mga magulang ng babae ang pinakanakatatakot, nakatitindig balahibo, at pinaka-”Sana-may-maimbento-akong-valid-at-convincing-excuse-para-maiwasan-’to” na maaari mong pagdaanan.
Kahit ano mang pilit mo, ito’y isang bagay na hindi maiiwasan dahil Pilipino tayo at talaga hindi na yata mabubura ang hassle na tradisyong ito. Laos na ang maraming bagay, pero, hindi-hinding malalaos ang “meet the parents” filipino style, una, dahil sadyang nakaukit na ito sa ating kultura, o, gusto lang gumanti nung mga magulang nung girlfriend mo kasi napagdaanan din nila ito. Kung ano mang dahilan nila kung bakit ka nila gustong makaharap, ang masasabi ko lang, maghanda ka ng mabuti.
Hindi ito meet and greet. Hindi ka bisita. Hindi ka kaibigan. Hindi ka nila tatratuhing VIP. Ikaw yung boyfriend ng babae nilang anak na nagkataong favorite ng tatay at nanay niya at sa mata ng mga magulang ng girlfriend mo, suspect ka sa isang krimeng nais nilang tuklasin, at sa oras na matuklasan, ilalabas ang baril na nakaipit sa bewang at ang magagawa mo na lang ay umasang magigising ka sa ospital, buhay, matapos kang barilin ng nanilim na paningin ng mga magulang na ginulantang mo.
Question and answer portion. Akala mo sa Miss Universe lang meron nito, at natatawa ka pa kasi ang bobo sumagot ng mga contestant na magaganda. “I don’t feel any pressure right now.” Natawa ka doon. Pero ngayon, pagdadaanan mo yung dating nagpapatawa sa yo, only this time, ikaw yung pagtatawanan. Pauulanan ka ng mga tanong na hindi mo ineexpect dahil wala ito sa leakage na bigay sa yo ng kaibigan mong nagdaan na rin daw sa sitwasyong iyan. Gagapang sa mula sa batok mo papuntang likod ang malamig na pawis, naka-aircon naman, pero pagpapawisan ka pa rin. Manginginig ang tuhod mo kahit minamani mo lang ang balot. Panay ang adjust mo sa iyong pagkakaupo dahil tinatantsa mo kung paano ka makakatagpo ng mabilisan at ligtas kung sakaling dumulas ka at masabing dun sa mesang iyon ng kanilang bahay mo pinatong ang anak nila nung isang araw at tinikman niyo dun ang luto ng Diyos o kaya triny niyo doon one time sa may hagdanan, Sadako style.
Bakit ba may Q&A kasi? At bakit dinaig pa nito ang Holy Inquisition? Well, gusto ka nga sigurong kilalanin ng mga magulang nung girlfriend mo at gusto nilang malaman kung hindi ba madudungisan ang mabuti nilang pangalan dahil sa yo, kung mapapaganda ba ang reputasyon ng pamilya nila dahil sa yo.
Make or break ang Q&A kung kaya’t mainam na maging sobrang handa. Huwag kalimutang dalhin ang Transcript of records, grades nung grade school, diploma, medals sa mga napalanunang contest both in academics and sports, certificates of good moral conduct, NBI clearance, at bank statements. Mag-ensayong magsinungaling sa harap ng salamin. Dapat maging komportable kang magsinungaling kasi kung hindi, hindi mo na makikita ulit yung nakasabit sa gitna ng hita mo. “Hindi po kami nagsex ng anak niyo.” Sabihin ito sa harap ng salamin 100 times gamit ang poker face mong nagpapapanalo sa yo sa tuwing may poker night kayo ng mga kaibigan mo. At dahil unang beses pa lang naman kayong magkikita ng mga magulang niya, advantage to dahil mahihirapan pa silang tantsahin kung nagsasabi ka ba ng totoo o hindi dahil hindi pa nila nakikita kung paano ka kumilos normally. Try mo ring kalimutan ang ilang mga detalyeng maaring lumabas pag ikaw ay dumalas tulad na lang ng impormasyong doon kayo sa loob ng banyo naghalikan noong isang araw noong nasa Batangas ang mga magulang ng girlfriend mo.
Hindi mahirap alamin ang iniisip ng mga magulang habang Q&A.
Nanay: “Oh my God, ito pala si Edward. May itsura nga naman at bagay kay Joana ko. Ang cute nila together!”
Tatay: “Ito ang tipo ng lalakeng may masamang intensiyon! Must cock-block! Must cock-block! Must cock-block!”
Matatanto na sa dalawang magulang, magiging maluwag sa yo ang nanay lalo na kung pogi ka. Mahihirapan kang suyuin ang tatay ng girlfriend mo dahil tulad mo, lalake ang tatay niya, at alam niya ang pinagdadaanan at pinagnanasahan ng isang lalakeng 18 years old. Kung kaya’t, sa Q&A, at sa iba pang okasyon, mainam na ituon ang pansin at effort sa nanay ng girlfriend mo. Kapag napanalo mo na ang nanay niya, susunod na yung tatay dahil hindi maipagkakailang under ang tatay, tulad na lang ng iba pang tatay, sa nanay kung kaya’t mapipilitan siyang tanggapin ka dahil tinanggap ka na ni komander.
Kapag naghanda nang mabuti, makalalabas ka ng buhay at kumpleto pa rin ang parte ng katawan at kung maswerte, tatanggapin ka ng mga magulang ng babae at hindi na awkward tawagin silang tito at tita at hindi na rin awkward na magmano ka sa kanila.


