Home » Archives » 15. February 2009

Olats o Winner

February 15, 2009

Tanghali na. Bumangon ka sa kama mo, at dahil hindi ka nagtoothbrush kagabi bago matulog, nalalasahan mo pa yung huling shot na ininom mo bago ka umalis sa club na pinuntahan mo kagabi. Nabablanko ka, at triny mong alalahanin kung ano ba yung nangyari kagabi, kung nakailang shot ka, anong oras ka umalis at nakauwi, sinong nagpalit ng suot mo, at kung saan nanggaling yung mabahong likido na mukhang galing sa loob ng tiyan ng isang tao na nasa sahig mo. Ngunit, sa pagmumuni-muni mong ito, isang mahalagang bagay ang naalala mo: MAY NAKILALA KA KAGABI!

Kaya lang, hindi mo maalala kung anong itsura niya, kung olats o winner ba dahil unang-una sa lahat, madlim sa club kung kaya’t hindi mo nausisa ng mabuti ang itsura ng nakilala mo. Pangalawa, nakainom ka na kung kaya’t maaaring nagsystem failure ang standards mo kagabi kung kaya’t maaaring sobrang pangit nung kinilala mo o di kaya, lumakas yung loob mo at si Cristine Reyes pala yung nilapitan mo.

Kung hindi mo talaga maalala, ito na ang mga hakbanging maari mong gawin para maalala kung okay ba o basura ang nakilala mo.

1. Check your camera

-Kung may dala kang camera kagabi, chances are, nagpicture kayo nung nakilala mo. Baka nga nagphoto routine pa kayo. Kung wala kang dala, hintayin mong magpost ng pictures yung mga kaibigan mo sa multiply, chances are, pinicturan ka nila dahil naco-coolan sila sa yo dahil may pinick-up kang babae or dahil pinick-up ka ng lalaking kahawig ni Bentong.

2. Tawagan mo yung mga kaibigan mo

-tapos tanungin mo sila kung may naaalala ba sila kagabi. Kung meron, tanungin mo kung naaalala ba nila yung itsura nung nakilala mo. Dahil kaibigan mo sila, malamang-lamang na parehas kayo ng standards at matatanong mo sila kung olats o winner ba yung nakilala mo. After ka niyang sagutin, siyempre, tatanungin ka rin niya kung olats o winner ba yung nakilala niya, eh puta naman, ikaw nga di mo maalala itsura nung nakilala mo tas tatanungin ka pa niya. Tanggapin mo na lang na tanga yung kaibigan mo at sabihing, “Oo, winner pare/girl. Keeper yun.” Kung ano man isasagot mo, keep it generic at magbabay ka na sa kaibigan mo.

3. Humiga ka

-At subukan mo ulit alalalahanin. Alalalahanin mo yung buong gabi. Alalahanin mo kung anong pick-up line ba yung ginamit mo o kung anong move yung ginawa mo para lapitan ka. Humigop ka ng sabaw ng bulalo para marelax ka ng konti tas hanapin mo yung utak at kainin mo yun at baka sakaling maalala mo yung itsura niya.

4. Tignan mo yung mga damit mo o katawan mo

-Meron kasing mga taong ganun, yung kakikilala mo pa lang, pero parang kumapit na yata sa yo yung amoy nila. Baka sakaling maalala mo yung itsura niya kapag naalala mo na pabango niya pala yung kumapit sa tshirt mo kasi ang tindi pala nung ginawa niyong gilingan sa dancefloor. Tignan mo rin kung may suot ka bang singsing o kwintas na ibinigay niya sa yo. May mga tao kasing ganun, na kahit kakikilala mo pa lang, may ibibigay sila sa yo para raw maalala mo sila. O diba. Ginawa ko na yun before e, yung binigay ko nga lang, yung ID protector, kaya everytime na nakikita niya ID niya, naaalala niya ako. NAKSSSSSSS

5. Alalahanin mo kung ano yung pangalan niya

-Malamang-lamang ay nagpalitan man lang kayo ng pangalan nung gabing iyon. At mahalagang nagpalitan kayo ng pangalan. Dahil ang pangalan niya ang magiging ticket mo sa pinakamadaling paraan at hassle free way to check out kung olats o winner ba siya. Gagamitin mo ang pangalan niya dahil gagamitin mo ito para hanapin siya sa internet. Usually, magiging kaibigan mo dito ang Friendster, Facebook, Multiply o Myspace. Mahalagang meron kang pang-stalk na account na may picture ng paborito mong rapper para angas. Kung hindi mo maalala yung pangalan niya, next time, dapat, kapag may kinikilala ka, hingin mo yung buong pangalan at para mahingi yun, dapat, ikaw yung mag-initiate by giving your whole name. “Ako nga pala si Edgardo Cruz De Los Santos. Ikaw, ano full name mo?”

Kapag hindi ka naman dumaan sa ganitong dilemma, may isa ka pang concern na maaaring harapin tulad na lang ng nararanasan ngayon ni Totoy Pogi. Si Totoy Pogi ay pumarty nung isang sa gabi sa Tryst, isang MECO Party. Today, napagdesisyunan niyang itext na ang babae na kakikilala niya lang nung biyernes.

Ang tanong, magrereply kaya yung babae?

Gagawin nating interactive ang tanong na ito, at nais kong hingin ang inyong opinyon hinggil sa maaring pagdaanan ni Totoy Pogi. Magreply lamang ng:

A) Magrereply yung babae at magiging masaya si Totoy Pogi

B) Hindi agad magrereply yung babae dahil wala siyang load

C)Hindi magrereply yung babae at magluluksa si Totoy Pogi

D) Hindi magrereply yung babae dahil pangit siya

Ilagay lamang ang inyong mga palagay o kuro-kuro sa comment box ng entry na ito. Maraming salamat at supurtahan natin si Totoy Pogi.

Posted by chucks at 1:42 pm | permalink | comments[7]

     

February 2009
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  

Message Board

Ignorer:

I’ve only spent a short amount of time in the Philippines but I must say it’s a wonderful place. But anyway, I just wanted to stop by because I’m reading blogs about Manila. and found your site on yahoo. If you can share any tips on things I must do while here in manila then I would really love to hear them

marikit:

I enjoy reading your blog! :) This is really a good read. added you to my favorite blogs. :) hope you read mine and add me too. :)

John:

Loving the blog, is it free to get i.ph?

chep:

alam kong hindi lang tong mga post mo ang makulit pati ikaw mismo makulit hahahaha

Mia:

Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog din ang sabaw! Pre, galing ng site mo! Naaliw ako sa mga makulit na insights! Keep it up, and will add u on my blog reads. Peace!

chris:

wow nice..

ang kulet ng blog site.. next time gawan mu naman ng ulam at kanin na.. hehe

Anon lang:

3rd ka sa results pag ginoogle mo ang ’sabaw’. (Kaya rin ako napadpad dito.) Ayos, ipagpatuloy mo yan! \m/

bern:

HEY! you’re from UPD engg din??! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

ceedee:

blog hop! :)

tink:

may i know the name of your dad? are you from penaranda?

tiffany charoline yhap:

hi!!

6uiz..

rhein:

padaan sa page mo :-P

xdalisayx:

hehe. tama ka, ilabas ang mga kaek-ekan, ang lahat ng sama ng loob. salamat din sa pagdaan sa sayt ko. hehe.

Bangs:

WIN ang words of beerdom. :D

Pogi:

Pogi pakiss!

Anna Maningas:

Eow powhz. ^^

Pach:

is your number 1 fan, sorry i don’t get to read much. will update myself with your aweome insights. goodluck in your writing career, much love.

daddy orlando:

di ka pa nagsosorry sakin :(

jezziCa:

el0 phoezzz = )

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX