Pasalubong
February 13, 2009“Naiinitan ako.”
Yun ang sinabi mo sa akin nung minsang bumisita ka sa bahay namin.
Wala ang aking mga magulang; tayong dalawa lang.
Pumunta ako sa kwarto upang kunin ang bentilador dahil nakakahiya naman sa yo. Bisita kita. Hindi ka dapat mainitan.
Pagbalik ko sa sala, nakita kita’t nagulat. ‘Yan pala ang pasalubong mo sa akin.
Tinabihan kita at ngumiti.
Ngumiti ka rin.
Sandali lang akong nawala, nailabas mo na ang sorpresang kagabi mo pa ibinibida nung magkatext tayo.
Isinubo mo sa akin; nabigla ako. Hindi ako sanay.
Tinanggal ko ito sa kamay mo’t hinawakan ko.
Mas gaganahan lang talaga ako pag ako yung may hawak.
Dinilaan ko.
Nung una, dahan-dahan kasi, gusto kong lasapin.
Di nagtagal, at dahil marahil sa kainitan, may tumulo sa kamay ko.
Ngumiti ka, pupunasan mo dapat, pero feel kong magpacute sa yo kaya dinilaan ko na lang yung nasa kamay ko.
Tumawa ka. Tumawa rin ako.
Ayoko nang matuluan ulit ang kamay ko, kaya sinimulan ko nang isubo lahat.
Hindi ka tumitingin sa akin. Nakatingin ka lang sa TV. Sino bang mas mahalaga, si Katrina Halili o akong nandiritong kasama mo’t subo-subo ang pasalubong na dala mo?
Hindi ganun katagal at nagsawa na rin ako.
Tumayo ako. At lumayo para kumuha ng maiinom. Ang lagkit sa lalamunan.
Sinundan mo ako ng tingin. Wala akong pake. Jan ka na kay Katrina.
Bumalik ako sa sala, at tinabihan kang ulit. Umayos ka ng upo.
Sabi mo, “Ayaw mo na ba?”
Sabi ko, “Ayoko na ng ice cream mo.”
Chocolate. Argh. Matamis, pero malagkit sa lalamunan.
Sabi mo, “May naiwan na naman sa may labi mo o.”
Sabi ko, “Saan?”
Sabay halik mo sa akin.


