Let it flow, let it flow, let it flow
February 1, 2009Tinatamad pa akong gumalaw o kumilos o magtrabaho para sa mga school work na kailangan kong gawin. Pause muna sa mga gawaing pangkinabukasan na parati ko na lang ginagawa kaya madalas akong nakakatulog habang nag-aaral o napapatunganga na lang sa kama ko kapag humiga. Kapag ginaganahan akong mag-aral, hihiga ako until the feeling is gone sabay makakatulog. Yan ang buhay ko bilang estudyante sa kolehiyo.
Today is let it flow day kaya malamang-lamang, magiging mahaba ang post na ‘to. Kung bored ka rin tulad ko na walang interes mag-aral dahil sunday naman at kung magsisimula ka nang mag-aral ngayon, ano nang gagawin mo tonight or bukas, edi basahin mo na lang to para masabaw ka o baka sakaling may mapulot kang aral na mapagkakakitaan mo in the future pag di ka grumaduate tulad ng mga tambay sa kanto. Kung tama ang alala ko, sabi ng third year high school filipino teacher ko noon na kapag nagsusulat ka ng poetry, you have to let it flow, pero siyempre sa tagalog niya yun sinabi kasi filipino teacher siya. Ngayon, ibubuhos ko lang lahat ng namuong agiw mula sa aking isipan.
1. Pag nagreregister ako sa Unlitxt (Shameless plug ng sawi line: Parati akong naka-Unlitxt80, pero di ka naman laman ng Inbox ko.) at siguro napansin niyo na rin to, may unang text na sasabihing natanggap na raw nila yung request mo para magregister ng Unlitext service nila, in TAGALOG. Kapag in-approve nila yung request mo, may bagong text matatanggap na nagsasabing, You can now use Unlitxt80 blah blah blah, in ENGLISH. Bakit ganon? Hindi ko maisip kung anong logic nung shift in language na ginawa na yon. Kapag naregister ka ba sa unlitxt bigla na lang ma-oon yung english comprehension mo? At kung hindi naman, hanggang tagalog lang ang level ng utak mo. Ang labo e. Sana gawin na lang nilang straight tagalog o kaya straight english para hindi na maburat ang mga taong tulad kong napapansin ang mga ganong klase ng detalye.
2. Nabasa ko yung isang blog ng kaibigan kong si Adi na cinopy-paste niya lang ata mula sa kaibigan niya. Basta, tungkol lang yun sa isang lalakeng nag-eemote tungkol sa kanyang naging karanasan sa mga babae, yung tipong kapag sa relationships, parating lalake yung nag-eeffort at yung mga babae, madali lang para sa kanila ang lahat at madali lang sa kanila ang mang-iwan. Parang ganung drama. Napaisip lang ako nung nabasa ko yun na pano nga ba magmahal? Totoong hindi mawawala sa isang relationship ang demands o expectations pero, hanggang dun na lang ba talaga ang pag-ibig, sa pagsunod sa mga demands at pag meet ng expectations ng isa’t isa? Minsan na rin akong umibig ng tunay, at ang masasabi ko lang at hindi sa pagyayabang, pero iba ako magmahal (naks.). Para kasi sa akin, kapag pinili mong mahalin ang isang tao, hindi na mahalaga sa yo ang mga sariling interes mo dahil mas uunahin mo pa ang mga bagay na magpapasaya sa kanya. Dapat ang pag-ibig, selfless. Hindi ka dapat mag-expect na irereciprocate ang mga mabubuting bagay na ginagawa mo sa kanya dahil enough na sa yong napasaya mo yung tao, enough nang makita mong nabuo yung araw niya o ngumiti siya. Kung di mo magets, isipin mo, pano ba magmahal si Papa Jesus? Ganun dapat magmahal ng tao.
3. May Eraserheads concert na naman. Nung friday, bumili ako nung DVD nung una nilang reunion concert, yung inatake sa puso si Ely. Pinanood ko. Sadly, hindi ko nakita ang sarili ko. Yung susunod na Eheads concert ay sa March 7, the day after my birthday! Sana, regaluhan ako ng mga magulang ko ng tickets para maging masaya ako. Kahit isa lang, pero sana dalawa. Ang sad e. Last time, mag-isa lang ako. Mahirap tumalon o kumanta pag mag-isa ka lang, mukha kang tanga. Nakita ko nga pala si Raimund nung Friday, kasi, tumugtog yung Sandwich sa school nung kapatid ko. Ang gaspang na pala ng mukha niya, pero ayos lang, sa kanya ko pa rin ipapangalan ang isa sa mga anak ko. Kasi, idol ko siya. Wag lang sana mamana ang kutis ng pinagkunan ko ng pangalan.
4. Tinanong ako ni Jobim nung isang araw kung paano raw ba manligaw. Napaisip din ako kasi, pano nga ba manligaw. Wala namang exact science para mailatag ang step by step way to winning a girl’s heart, pero ang masasabi ko lang, wag na wag, as in never, ask for permission na manliligaw ka. Tipong, “Pwede ba akong manligaw sa yo?”. Unang-una sa lahat, ang lame nun, parang supot lang e. Pangalawa, pano pag nag-no, edi olats ka na. Pangatlo, hindi ka rerespetuhin nung nililigawan mo. Pang-apat, magkakaroon bigla ng expectations yung babae at pag hindi mo nameet yun, olats ang panliligaw mo. Kung manliligaw ka, wag mo na ipaalam. Ang hanap ng isang babae, ay isang lalakeng tratratuhin siya bilang babae, hindi yung tipong barkada lang. Sabi nga ni Salonga, casual lang dapat, subtle, at ang objective, let her fall for you. Ang panliligaw ay nasa kalagitnaan ng Attract at Close ng FMAC stages, so dapat, ready ka sa mga bagay na maiimpress siya sa yo, pero siyempre, wag mo naman baguhin ang katauhan mo para lang mahulog siya sa yo. Ipakita mo yung tunay na ikaw, at kung hindi niya magustuhan ang kung anong meron ka to offer, isipin mo na lang, her loss. Dapat may game ka. Abangan sa March.
5. Ano ba mga aaralin ko. Math 53 midterms. Socio 10 readings. Gumawa ng Socio 10 report. Gumawa ng Panpil 19 report. Gumawa ng Chem Problem set. Ayun. Konti lang pala e. Mamaya na yan. Yung math 53, wala, math lang yan. Bboy ako.


