Home » Archives » January 2009 » Page 2

Kahit di man kami nagkatuluyan sa huli, siya pa rin ang first love ko.

January 12, 2009

Napanood ko kanina yung bagong ad ng mcdo sa TV tapos hindi ko namalayang ginanahan ako bigla mag-mcdo. Siguro dahil may some sort of hypnotic powers ang mga tv ads, pero putsa, napa-mcdo talaga ako. The power of media.

Galing uste, nagdrive-thru kami ni tito jun sa mcdo commonwealth kasi on the way naman pauwi sa bahay ko. Tinanong ko siya kung anong gusto niya, sabi niya, wala raw, sa bahay na lang siya kakain.

Ito yung inorder ko: 6 piece nuggets, Mcchicken fillet ata yun, basta yung parang chicken steak ng kfc minus the mushroom gravy at cheeseburger meal go big time fries and drink.

Nakakatakot yung inorder ko. Hindi talaga ako ganyan karami kumain normally, lalo na kung fastfood. Bumabawi lang ako kasi, hindi ako nagdinner kagabi at di rin ako nagbreakfast. Baboy mode.

So habang nasa kotse, na-feel kong inggitin si tito jun, kaya, kinain ko na yung fries. Nilatag ko yung isang damukal na tissue sa isang hita ko, sabay dun nilagay yung ketchup para mas maging dramatic ang pag-inggit ko sa kanya kasi nga may sawsawan effect pa akong nalalaman. Maalat yung fries, kaya kinuha ko yung coke at anak ng tipaklong, walang nabalot na straw. tangena.

Pagdating ko sa bahay, nakahain na yung magiging tanghalian ni tito jun kaya pumunta na kami dun para kumain. Dun ako sa harap niya umupo. Ulam niya, prinitong baboy. Ako, mcdo. Inuna kong kainin yung cheeseburger ko, siya, kumain muna ng tinapay. Tapos, kinuha ko yung mcchicken fillet, binuhos yung gravy sa fillet at kumain. Siya, kumuha na siya ng kanin at lumabas lang sandali para bumili ng softdrinks niya sa tindahan. Pagkabalik niya, naubos ko na yung fillet. Favorite ko kasi ang chicken nuggets ng mcdo kaya hinuli ko yun. Save the best for last nga kasi di ba. Tapos, ‘tang ina, hinahanap ko yung barbeque sauce nung nuggets ko. Nawawala. Nakalimutan ilagay ni Jeffrey, yung lalakeng nag-abot ng take-out ko sa mcdo. Putang ina mo Jeffrey, asan na yung dip ng chicken nuggets ko?

Hindi ko na kinain yung nuggets. Nalungkot ako. At habang nagaganap ‘to, kumakain nang masiba si tito jun. Kumakain siya ng prinitong baboy, yung golden fried na maalat at malutong yung balat na masarap. Sinasawsaw niya sa Mang Tomas.

Buti pa siya, may sawsawan. Tito Jun win. Chucks fail.

Posted by chucks at 3:17 pm | permalink | Add comment

Ateneans these days

January 4, 2009

http://blogpipiatbingi.com/tracy-isabel-borres-ateneo-immersion-aeta-facebook-scandal/

Cool na cool e. Alam kong hindi na ako sa Ateneo nag-aaral, pero, hindi ko mapigilang hindi magreact nung mabasa ko ‘to. Ang feeling ko talaga pota. Sino ba ako para magcomment tungkol dito. Pero wala. Konting 5Cs naman at Ignatian values kayong standing on a hill between the earth and sky. 

Posted by chucks at 3:59 pm | permalink | comments[1]

     

January 2009
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Message Board

Ignorer:

I’ve only spent a short amount of time in the Philippines but I must say it’s a wonderful place. But anyway, I just wanted to stop by because I’m reading blogs about Manila. and found your site on yahoo. If you can share any tips on things I must do while here in manila then I would really love to hear them

marikit:

I enjoy reading your blog! :) This is really a good read. added you to my favorite blogs. :) hope you read mine and add me too. :)

John:

Loving the blog, is it free to get i.ph?

chep:

alam kong hindi lang tong mga post mo ang makulit pati ikaw mismo makulit hahahaha

Mia:

Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog din ang sabaw! Pre, galing ng site mo! Naaliw ako sa mga makulit na insights! Keep it up, and will add u on my blog reads. Peace!

chris:

wow nice..

ang kulet ng blog site.. next time gawan mu naman ng ulam at kanin na.. hehe

Anon lang:

3rd ka sa results pag ginoogle mo ang ’sabaw’. (Kaya rin ako napadpad dito.) Ayos, ipagpatuloy mo yan! \m/

bern:

HEY! you’re from UPD engg din??! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

ceedee:

blog hop! :)

tink:

may i know the name of your dad? are you from penaranda?

tiffany charoline yhap:

hi!!

6uiz..

rhein:

padaan sa page mo :-P

xdalisayx:

hehe. tama ka, ilabas ang mga kaek-ekan, ang lahat ng sama ng loob. salamat din sa pagdaan sa sayt ko. hehe.

Bangs:

WIN ang words of beerdom. :D

Pogi:

Pogi pakiss!

Anna Maningas:

Eow powhz. ^^

Pach:

is your number 1 fan, sorry i don’t get to read much. will update myself with your aweome insights. goodluck in your writing career, much love.

daddy orlando:

di ka pa nagsosorry sakin :(

jezziCa:

el0 phoezzz = )

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX