UPCAT
January 18, 2009Dun naman nagsimula ang lahat, kasama ng ACET, DLSUCET, USTET, SAT 1 and 2, at yung Mapua-ET. Hahaha. Mapua-ET amp, di ko na maalala tawag sa test nila kaya imbento na lang, Mapua-ET. Pwet.
Pinasa ko naman lahat, una dahil parating nagdadasal nanay ko sa Diyos na maipasa ko lahat, at pangalawa, sadyang matalino lang talaga ako. Ewan ko rin kung bakit, pero putek, kasama ng aking lintek na kagwapuhan ay ang aking di maipaliwanag na katalinuhan.
Dahil January ngayon, nauso ulit ang drama ng mga high school seniors tungkol sa paglabas ng mga resulta. Okay lang yun, pinagdaanan ko rin naman yun e, hindi lang ganun kadramatic kasi, tanggap ako sa lahat e, mejo corny na kapag GG mo lahat ng schools. Kaya yun, masaya lang ako nun, hindi ako naiyak. Naiyak pala ako, nung August, kasi dun ko nalaman na natanggap ako sa Stevens, pero di naman ako pinag-aral ng parents ko dun, tae na, 15 million uubusin para mapag-aral ako sa States. Lima kaya kaming magkapatid. Ano yun, kung doon ako, magtutuyo na lang mga kapatid ko araw-araw, kaya yun, stick to UP na lang.
Pero yun, naisip ko lang, hindi naman mahalaga kung saan ka nakapag-aral e. Nasa tao lang talaga yan kung gaano ka kadesididong abutin ang mga pangarap mo at kung gumagawa ka ba ng paraan para maabot ang mga ito. Kasi, halimbawa, tatay ko. Hindi naman siya nag-aral sa magandang paaralan e. Sa probinsya lang siya nag-aral. Pero puta naman, ngayon, pagolf-golf na lang si pogi senior.
Hindi nasusukat ang pagkatao ng isang indibidwal sa mga paaralang pinasahan niya o di pinasahan. Yung mga entrance test, sukatan lang yan ng kakayahan mo pero, hindi dito nakasalalay kung anong klase ka ng tao magiging someday. Kaya, sa mga high school seniors na hindi pumasa sa dream school niyo, ayos lang yan, isipin mo na lang, may ham yung sandwich mo at hindi dahil dream school mo yun, dun ka na talaga.
Di ko nga pinangarap na sa UP ako mag-aaral e, pero, okay naman ako. Hindi ko rin pinangarap na tumae sa UP, pero, di ko napigilan nung isang beses kaya tumae ako sa Palma Hall. Ayos lang, steady. Hindi katapusan ng mundo kapag hindi ka sa dream school mo nag-aral, tipong hindi magugunaw ang mundo kapag di mo nabili yung damit na gusto mong naka-sale na rin finally. Hindi. Sayang pala na hindi mo nabili yung shirt na naka-sale. Bad metaphor.


