Bobo talaga ang mga bata
January 25, 2009May isang four year old na batang naglalakad kasama ng nanay niya sa labas ng bahay namin.
Si Tito Jun, gamit yung kotse ko, si Shirley, ay ihahatid ang nanay ko papunta somewhere.
Sa di maipaliwanag na dahilan, naisipan ng bata na pumulot ng bato at magpractice ng baseball-kuno at ginawang target ang kotse kong dumaan sa harap niya.
Bata, kung nasaan ka man ngayon, napatunayan mong may future ka sa baseball dahil tinamaan mo ang kutis ng aking pinakamamahal na si Shirley. Binahiran mo ang kanyang makinis at flawless na balat at ngayon, madadagdagan ang mga dapat na iparetoke sa kanya kay Vicky Belo.
Sana, ikaw magbayad nung gasgas na idinulot ng katangahan mo.
Fuck you. Makain mo sana yung watusi mo. Bobo.
Ang Tatay kong bumabagets
January 24, 2009Ako si Chucks. ako’y 18 years old. Nabubuhay ako sa 3200 per month na allowance habang ang tatay kong 46 years old naman ay walang pakundangan sa paglustay ng salaping kanya namang pinaghirapan.
Impulsive buyer ata tatay ko. Ewan ko, pero malakas talaga siya magshopping o bumili ng gusto niya. Marami siyang pantalon na hindi naman bagay sa edad niya pero hindi pa naman umaabot sa puntong bumili siya ng skinny jeans salamat sa Diyos. Ang weird siguro nun. Tatay ko, nakaskinny jeans sabay nakaumbok ang kanyang beer-daddy belly. Yung tiyan na meron lahat ng tatay. Meron nga rin pala siyang Chucks. Dalawa. Daig pa ako e. Yung isa niyang Chucks, may skulls. ahahah. Astig ng tatay ko.
Nung December, nanonood siya nung channel sa TV na nagbebenta ng kung ano-ano. Nakakabobo talaga yung mga channel na ganun, minsan, mapapahanga ka talaga e.
Favorite ko dun yung mga nagbebenta ng breast enhancement products na usually galing Japan or China kasi singkit yung babaeng nagbibigay ng testimonials tungkol sa paglaki ng boobs nila after gamitin yung products na binili nila sa TV. Tapos, best part yung kapag ipapakita yung before and after, makikita mo talagang lumaki yung boobs nila e kasi may front view, may side view, may top view, kulang na lang X-Ray basta ang punto nun, lumaki yung boobs nila at pwede kang mag-enjoy sa pag-observe kung pano lumaki yung boobs nila. Mahalagang may malapit na tissue pag nanonood ng mga Haponesang nagpapalaki ng boobs sa shopping tv networks.
Anyway, yun nga, nanonood tatay ko sa isang tv shopping network nung December at bumili siya ng isang set ng kutsilyo. Great. Pagdating nung kutsilyo niya, tinatanong siya ng nanay ko kung bakit siya bumili nun. Sabi lang ng tatay ko, “Eh kasi ang galing ng kutsilyo na to e.” Hinanahanap ko kung nasaan yung mga kutsilyo na to nung isang araw kasi meron kaming mangga dito sa bahay at hihiwain ko lang at kakainin para malaman kung sasarap ba yung mangga ko kapag yung kutsilyong pinanghiwa ko ay yung binili galing sa TV. Pero, hindi ko mahanap yung Magaling na Kutsilyo ng tatay ko, nakatago pala. Amputa. Bumili ng mahal pero magaling na kutsilyo sa TV para lang itago sa cabinet.
Two weeks ago, nung nasa Toyota yung Innova niya kasi check-up na, hinatid ko ang tatay ko dun para makuha niya na yung Innova niya. Hindi niya nakuha kasi hindi pa tapos ayusin. Pero isang bagay lang ang naalala kong sinabi nung tatay ko sa akin after niya akong utusan na ihatid ko siya sa warehouse niya: “Ang ganda nung bagong Land Cruiser.”
Kahapon, tumawag siya sa akin. Sabi niya, umuwi na raw ako, dumating na raw kasi yung Land Cruiser niya.
Bumabagets ang tatay ko. Siguro, after niya akong bilhan ng Honda Civic two months ago, nainggit siya kasi ako, may bagong car, siya wala. Tapos, ginaya niya pa yung kulay ng kotse ko, kasi Black din yung Land Cruiser niya. Tapos, pinapalitan niya ata yung rims. Pagdating kong bahay, pinakita niya sa akin yung car niya. Ang cool kasi, kapag pinaandar mo yung kotse, yung steering wheel, umaangat tapos lalapit sa driver automatically by itself! Puta. Ang cool talaga e. So yun, pinakita niya sa akin yun. Proud siya e. Mas cool na raw siya sa akin.
Okay rin na bumabagets tatay ko kasi, tulad ngayon, nagkakaroon ako ng topic na pwede kong isulat sa blog ko. Middle age crisis lang siya e.
Minsan sa loob ng iyong van
January 20, 2009Pumikit ako kunwari noong isang hininga na lang
ang ating pagitan, sa loob ng iyong van
noong iyong maisipan, sa wakas, na ako’y hagkan.
Mabagal ka, marahil pinakamabagal sa lahat
Na hindi naman masama.
Ginulat mo ako.
Ramdam ko ang lamig ng iyong kamay
Noong tinanganan mo ang akin.
Sa iyong mga mata, at ‘wag mong ipagkaila,
Pagdadalawang-isip. Pag-aalinlangan.
Dumating kang langit
Na nanginginig ang iyong labi.
Mahinhin kang ngumiti
Pagkatapos mong makamit ang iyong pakay.
“Ikaw ang una kong halik,”
Bulong mo sa akin na narinig ng driver mong nakangisi
Sa harapan, sabay namula ang iyong mga pisngi.
Bukas, ikwekwento mo sa akin
Na ‘di ka naabutan ng antok noong gabing iyon
Dahil kahit anong habol nito sa iyo’y
Tumatakbo ang iyong isipan patungo sa sandaling
Nagkrus ang ating mga labi.
At habang walang humpay ka sa pagtakbo,
Ako’y nasa aking kama’t nakatulog na lang
Sa kaiisip kung kailan nga ba naganap
Ang aking unang halik.
UPCAT
January 18, 2009Dun naman nagsimula ang lahat, kasama ng ACET, DLSUCET, USTET, SAT 1 and 2, at yung Mapua-ET. Hahaha. Mapua-ET amp, di ko na maalala tawag sa test nila kaya imbento na lang, Mapua-ET. Pwet.
Pinasa ko naman lahat, una dahil parating nagdadasal nanay ko sa Diyos na maipasa ko lahat, at pangalawa, sadyang matalino lang talaga ako. Ewan ko rin kung bakit, pero putek, kasama ng aking lintek na kagwapuhan ay ang aking di maipaliwanag na katalinuhan.
Dahil January ngayon, nauso ulit ang drama ng mga high school seniors tungkol sa paglabas ng mga resulta. Okay lang yun, pinagdaanan ko rin naman yun e, hindi lang ganun kadramatic kasi, tanggap ako sa lahat e, mejo corny na kapag GG mo lahat ng schools. Kaya yun, masaya lang ako nun, hindi ako naiyak. Naiyak pala ako, nung August, kasi dun ko nalaman na natanggap ako sa Stevens, pero di naman ako pinag-aral ng parents ko dun, tae na, 15 million uubusin para mapag-aral ako sa States. Lima kaya kaming magkapatid. Ano yun, kung doon ako, magtutuyo na lang mga kapatid ko araw-araw, kaya yun, stick to UP na lang.
Pero yun, naisip ko lang, hindi naman mahalaga kung saan ka nakapag-aral e. Nasa tao lang talaga yan kung gaano ka kadesididong abutin ang mga pangarap mo at kung gumagawa ka ba ng paraan para maabot ang mga ito. Kasi, halimbawa, tatay ko. Hindi naman siya nag-aral sa magandang paaralan e. Sa probinsya lang siya nag-aral. Pero puta naman, ngayon, pagolf-golf na lang si pogi senior.
Hindi nasusukat ang pagkatao ng isang indibidwal sa mga paaralang pinasahan niya o di pinasahan. Yung mga entrance test, sukatan lang yan ng kakayahan mo pero, hindi dito nakasalalay kung anong klase ka ng tao magiging someday. Kaya, sa mga high school seniors na hindi pumasa sa dream school niyo, ayos lang yan, isipin mo na lang, may ham yung sandwich mo at hindi dahil dream school mo yun, dun ka na talaga.
Di ko nga pinangarap na sa UP ako mag-aaral e, pero, okay naman ako. Hindi ko rin pinangarap na tumae sa UP, pero, di ko napigilan nung isang beses kaya tumae ako sa Palma Hall. Ayos lang, steady. Hindi katapusan ng mundo kapag hindi ka sa dream school mo nag-aral, tipong hindi magugunaw ang mundo kapag di mo nabili yung damit na gusto mong naka-sale na rin finally. Hindi. Sayang pala na hindi mo nabili yung shirt na naka-sale. Bad metaphor.
math is a wonderful thing
January 15, 2009Noong bata ka pa, pinoproblema mo kung paano kukunin yung LCM ng 36 at 48.
Ngayon, pinoproblema mo kung ano ba yung rectilinear motion at implicit differentiation at differentials at rate of change.
Hindi ka kasi dapat natutulog kapag ang tinuturo ng Math 53 prof mo ay ang mga bagay na ito. Matulog ka kapag pinoprove niya sa board kung paano kunin ang LCM ng 36 at 48.
After ng putang inang test mo bukas, umubos ka na lang ng isang kaha ng yosi, yung reds para solid sa lalamunan at sa baga mo at hindi mo mamamalayang nakamove-on ka na sa letseng test na katatapos mo lang pagdaanan.
‘Tang ina mo.


