Home » Post Item » Bored

Bored

December 28, 2008

Edi yun. Nagutom ako kani-kanina lang. Tapos, naalala kong naging mabait pala yung nanay ko at bumili siya ng Purefoods Fiesta Ham, yung bilog, kasi nga pasko naman daw.

Kaya yun, pina-slice ko sa katulong namin at sabi ko, prituhin niya na lang, tipong, trinato kong Spam yung Purefoods Fiesta Ham. Kumuha ako ng kanin mula sa kaldero tapos nilagay ko sa plato siyempre kasi dun naman ako kakain. Sa plato. Habang hinihintay yung pinaprito kong Spam este Purefoods Fiesta Ham, naisipan kong manood muna ng TV. So, ikinabit ko ‘yong A Walk to Remember sa DVD player ng TV namin kasi gusto ko panoorin ulit yung movie. Hindi kasi ako naiyak nung unang beses ko panoorin kaya gusto kong bigyan ng isa pang pagkakataon yung A Walk to Remember para mapaiyak ako.

Nung nandun na sa part na nagkiss yung bidang lalake at babae sa dulang ginanapan nila, naalala ko na nagpaprito nga pala ako ng Purefoods Fiesta Ham. Pumunta ako sa kusina tapos yun, malamig na yung pinaprito kong Purefoods Fiesta Ham kaya ininit ko na lang sa oven toaster na pangtinapay lang naman talaga pero kapag tinamad ako, kung ano-ano yung iniinit ko doon. Naalala ko tuloy yung oven joke na sobrang labo. Anyway, ayun, mainit na siya.

Naghahanap ako ng sawsawan para sa Purefoods Fiesta Ham na prinito na ininit sa oven toaster para naman maging katakam-takam ang pagkain ko kasi siyempre, Purefoods Fiesta Ham yun, hindi basta-bastang ulam yun at tuwing pasko ko lang talaga nakakain kasi nga tuwing pasko lang binibili ng nanay ko yung Purefoods Fiesta Ham na yan.

Naalala ko na nag-grocery kami ng nanay ko nung isang linggo tapos bumili ako ng Mang Tomas. Yung gravy na masarap sa lechon kawali, yung tipong pwede mong isabaw sa kanin kapag lechon kawali yung ulam mo. Mang Tomas. All around sawsawan.

Kumuha ako ng platito at nilagyan ko ng Mang Tomas kasi yun yung plano kong gawing sawsawan ng Purefoods Fiesta Ham na pinaprito’t ininit ko sa oven toaster. Hinati ko yung isang slice ng Purefoods Fiesta Ham kakainin ko, tipong bite size ba, tinuhog sa tinidor, isinawsaw sa all around sawsawan Mang Tomas.

Good Lord. Hindi masarap. Ang inakala kong panalong tambalan ng prinitong Purefoods Fiesta Ham at all around Mang Tomas ay hindi masasarap. Purefoods Fiesta Ham + Mang Tomas = Titan Fail

Pero dahil ang dami kong nilagay na Mang Tomas sa platito, ginamit ko na lang din kasi sayang naman kung hindi ko na gagamitin. Pero putek. Ang laking pahirap nung ginawa ko na yun. Naglalaban yung lasa ng prinitong Purefoods Fiesta Ham at all around Mang Tomas. 

I therefore conclude that Mang Tomas is not so all around after all. 

Posted by chucks at 8:24 pm | permalink

Previous Comments

Haha! Natry ko na ang Mang Tomas sa Ma Ling. Aba, sumarap ang kain ko nun, hehe..

Posted by ark at December 28, 2008, 8:58 pm

panalo to tangina hahaha!

Posted by jonik at January 19, 2009, 10:24 pm

Add a comment








     

December 2008
M T W T F S S
« Nov   Jan »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Message Board

Ignorer:

I’ve only spent a short amount of time in the Philippines but I must say it’s a wonderful place. But anyway, I just wanted to stop by because I’m reading blogs about Manila. and found your site on yahoo. If you can share any tips on things I must do while here in manila then I would really love to hear them

marikit:

I enjoy reading your blog! :) This is really a good read. added you to my favorite blogs. :) hope you read mine and add me too. :)

John:

Loving the blog, is it free to get i.ph?

chep:

alam kong hindi lang tong mga post mo ang makulit pati ikaw mismo makulit hahahaha

Mia:

Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog din ang sabaw! Pre, galing ng site mo! Naaliw ako sa mga makulit na insights! Keep it up, and will add u on my blog reads. Peace!

chris:

wow nice..

ang kulet ng blog site.. next time gawan mu naman ng ulam at kanin na.. hehe

Anon lang:

3rd ka sa results pag ginoogle mo ang ’sabaw’. (Kaya rin ako napadpad dito.) Ayos, ipagpatuloy mo yan! \m/

bern:

HEY! you’re from UPD engg din??! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

ceedee:

blog hop! :)

tink:

may i know the name of your dad? are you from penaranda?

tiffany charoline yhap:

hi!!

6uiz..

rhein:

padaan sa page mo :-P

xdalisayx:

hehe. tama ka, ilabas ang mga kaek-ekan, ang lahat ng sama ng loob. salamat din sa pagdaan sa sayt ko. hehe.

Bangs:

WIN ang words of beerdom. :D

Pogi:

Pogi pakiss!

Anna Maningas:

Eow powhz. ^^

Pach:

is your number 1 fan, sorry i don’t get to read much. will update myself with your aweome insights. goodluck in your writing career, much love.

daddy orlando:

di ka pa nagsosorry sakin :(

jezziCa:

el0 phoezzz = )

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

XXXXXXXXXXXXX