Nuisances of a Good Internet Connection
December 9, 2008Estudyante kang may matinong internet sa kwarto mo. Naka-wifi siyempre kasi para pasok sa laptop na ginagamit mo, mapa-Mac o mapa-HP man yan, ang mahalaga, may laptop ka.
Araw-araw ka sigurong online, updated sa mga nangyayari sa mga tao, connected sa crush mo, busog sa sangkatutak na porno. YOWN
Pero wala. Nakakainis, kasi ako, medyo ganun. May matino naman internet namin dito sa bahay. Kaya, hindi hassle kung kailangan magresearch, or magcram, or magconference for projects.
Nakakainis lang na wala akong kadisidisiplina. Sa totoo lang, ang laking distraction ng may computer sa kwarto mo. Tipong, nangangati kang dapat nakabukas yan pagdating mo sa bahay. Mahirap iwang nakapatay kasi, sayang naman kung online yung crush mo edi nakapag-usap pa kayo di ba? Sayang naman kung hindi mo makikita yung mga updates ng kaibigan mo sa Multiply o kaya sa Facebook di ba? Mga tipong ganyan.
Wala. Math exam ko kasi today. At kagabi. Wala akong ginawa kundi mag-internet, maghanap ng madodownload na tv show, o kaya movie, nag-Multiply, nag-YM, nakinig ng kanta at kung ano-ano pa. Napakaconvenient ng may laptop, pero ang laki ring distraction.
Kaya yon, di ako nakapag-aral ng matino kasi nga, mas malakas yung hatak ng Mac kesa sa TC7 math book ko.
Napa-FLAMES kami ng kaibigan kong si Lex kagabi, tapos, nasabi ko na lang bigla, na sana, sa FLAMES na lang tumatakbo ang tadhana. Hay.
)
Anyway, yun lang, sana maging maayos ako bago magChristmas break, at sana, dito kami sa maynila magchristmas. Ayokong bumabiyahe papuntang Mindanao.
) Huling punta ko nun, December 2007 pa e. Kakapagod talaga, atsaka, WALANG INTERNET. NYAHAHA.
Add a comment


