2008
December 31, 2008
Where did you begin 2008? -sa bahay ko
What was your status by Valentine’s day of 2008? -taken. pero, wala yata kaming ginawa nun. i can’t remember. Did you have to go to the hospital? - yes. nung august madalas. ubo. hm. bat kaya. Did you have any encounters with the police? -wala naman. with a security guard oo. scary. Where did you go on vacation? -states What did you purchase over $500? - Macbook Pro. Honda Civic. Daddy’s rich e. HAHAHAHA Did you know anybody who got married? -my uncle got married. i was the bestman.
Did you know anybody who passed away? -yeah. What sporting events did you attend? - nanood ako ng UAAP. What concerts/shows did you go to? -ERASERHEADS REUNION! hahahaha. The best e. Where do you live now? - Fairview pa rin. Describe your birthday. - What’s the one thing you thought you would never do but did? - ewan ko lang. ugh. tumae sa UP. Any new additions to your family? - HUGO What was your best month? - December. Malamig e. Who was your best drinking buddy? - Sprix and Lex. Made new friends? - Siyempre. Any regrets? -Wala naman. What do you want to change in 2009? - priorities. diet. study habits. Overall, how would you rate this year? - 8 Have any life changes in 2008? - ano yung life changes? pwede bang naging college na ako? Get a new job? -UP’s official pogi boy. =)) tangena. kapal. hahahaha How old did you turn this year? -18 Did anything embarrassing? - binangga ko yung pader sa parking lot. saya. Get married or divorced? - di pa e. Be honest - did you watch American Idol? - no. Start a new hobby? - no. Are you happy to see 2008 go? -ayos lang. Drank Starbucks in 2008? planner! Been naughty or nice. - both. What are you wishing for 2009? -maging masaya. macho. pogi. matalino pa. masipag. hahaha olrayt. grreat 2008. wala akong gagawin mamaya. dito lang ako sa bahay. Happy new year.
)
Happy.
)LABO
) The card game e.
)
) naisip ko, ang sad pala ng sitwasyon ko, kasi, sa pamilya namin, ako panganay tas bata pa mga kapatid ko, so di ko sila maaayang uminom mamaya. Tapos, sa mga pinsan ko naman, ako rin yung pinakamatandang pinsan, so di rin sila pwede kasi halos di pa sila dumadaan ng puberty. tangenang buhay to. hahaha. inom tayo, go to my house. fairview. look for the house na may pogi. hahaha
Bored
December 28, 2008Edi yun. Nagutom ako kani-kanina lang. Tapos, naalala kong naging mabait pala yung nanay ko at bumili siya ng Purefoods Fiesta Ham, yung bilog, kasi nga pasko naman daw.
Kaya yun, pina-slice ko sa katulong namin at sabi ko, prituhin niya na lang, tipong, trinato kong Spam yung Purefoods Fiesta Ham. Kumuha ako ng kanin mula sa kaldero tapos nilagay ko sa plato siyempre kasi dun naman ako kakain. Sa plato. Habang hinihintay yung pinaprito kong Spam este Purefoods Fiesta Ham, naisipan kong manood muna ng TV. So, ikinabit ko ‘yong A Walk to Remember sa DVD player ng TV namin kasi gusto ko panoorin ulit yung movie. Hindi kasi ako naiyak nung unang beses ko panoorin kaya gusto kong bigyan ng isa pang pagkakataon yung A Walk to Remember para mapaiyak ako.
Nung nandun na sa part na nagkiss yung bidang lalake at babae sa dulang ginanapan nila, naalala ko na nagpaprito nga pala ako ng Purefoods Fiesta Ham. Pumunta ako sa kusina tapos yun, malamig na yung pinaprito kong Purefoods Fiesta Ham kaya ininit ko na lang sa oven toaster na pangtinapay lang naman talaga pero kapag tinamad ako, kung ano-ano yung iniinit ko doon. Naalala ko tuloy yung oven joke na sobrang labo. Anyway, ayun, mainit na siya.
Naghahanap ako ng sawsawan para sa Purefoods Fiesta Ham na prinito na ininit sa oven toaster para naman maging katakam-takam ang pagkain ko kasi siyempre, Purefoods Fiesta Ham yun, hindi basta-bastang ulam yun at tuwing pasko ko lang talaga nakakain kasi nga tuwing pasko lang binibili ng nanay ko yung Purefoods Fiesta Ham na yan.
Naalala ko na nag-grocery kami ng nanay ko nung isang linggo tapos bumili ako ng Mang Tomas. Yung gravy na masarap sa lechon kawali, yung tipong pwede mong isabaw sa kanin kapag lechon kawali yung ulam mo. Mang Tomas. All around sawsawan.
Kumuha ako ng platito at nilagyan ko ng Mang Tomas kasi yun yung plano kong gawing sawsawan ng Purefoods Fiesta Ham na pinaprito’t ininit ko sa oven toaster. Hinati ko yung isang slice ng Purefoods Fiesta Ham kakainin ko, tipong bite size ba, tinuhog sa tinidor, isinawsaw sa all around sawsawan Mang Tomas.
Good Lord. Hindi masarap. Ang inakala kong panalong tambalan ng prinitong Purefoods Fiesta Ham at all around Mang Tomas ay hindi masasarap. Purefoods Fiesta Ham + Mang Tomas = Titan Fail
Pero dahil ang dami kong nilagay na Mang Tomas sa platito, ginamit ko na lang din kasi sayang naman kung hindi ko na gagamitin. Pero putek. Ang laking pahirap nung ginawa ko na yun. Naglalaban yung lasa ng prinitong Purefoods Fiesta Ham at all around Mang Tomas.
I therefore conclude that Mang Tomas is not so all around after all.
Nuisances of a Good Internet Connection
December 9, 2008Estudyante kang may matinong internet sa kwarto mo. Naka-wifi siyempre kasi para pasok sa laptop na ginagamit mo, mapa-Mac o mapa-HP man yan, ang mahalaga, may laptop ka.
Araw-araw ka sigurong online, updated sa mga nangyayari sa mga tao, connected sa crush mo, busog sa sangkatutak na porno. YOWN
Pero wala. Nakakainis, kasi ako, medyo ganun. May matino naman internet namin dito sa bahay. Kaya, hindi hassle kung kailangan magresearch, or magcram, or magconference for projects.
Nakakainis lang na wala akong kadisidisiplina. Sa totoo lang, ang laking distraction ng may computer sa kwarto mo. Tipong, nangangati kang dapat nakabukas yan pagdating mo sa bahay. Mahirap iwang nakapatay kasi, sayang naman kung online yung crush mo edi nakapag-usap pa kayo di ba? Sayang naman kung hindi mo makikita yung mga updates ng kaibigan mo sa Multiply o kaya sa Facebook di ba? Mga tipong ganyan.
Wala. Math exam ko kasi today. At kagabi. Wala akong ginawa kundi mag-internet, maghanap ng madodownload na tv show, o kaya movie, nag-Multiply, nag-YM, nakinig ng kanta at kung ano-ano pa. Napakaconvenient ng may laptop, pero ang laki ring distraction.
Kaya yon, di ako nakapag-aral ng matino kasi nga, mas malakas yung hatak ng Mac kesa sa TC7 math book ko.
Napa-FLAMES kami ng kaibigan kong si Lex kagabi, tapos, nasabi ko na lang bigla, na sana, sa FLAMES na lang tumatakbo ang tadhana. Hay.
)
Anyway, yun lang, sana maging maayos ako bago magChristmas break, at sana, dito kami sa maynila magchristmas. Ayokong bumabiyahe papuntang Mindanao.
) Huling punta ko nun, December 2007 pa e. Kakapagod talaga, atsaka, WALANG INTERNET. NYAHAHA.
Um-update
December 1, 2008Ang tagal ko na palang hindi nagblog dito. Maraming dahilan, pero yung pinakarason siguro ay ‘yong daming ng ginagawa and stuff. Like, for this week, ang dami ko nang kailangang gawin. I have to write a paper for philo. Tapos, study chem and math. Tapos, read about Marx, Weber, and Durkheim for Socio 10. Hay. UP. Killah.
So yun. Parati naman akong online kasi nga, may wifi tapos yun, binubukas ko parati yung laptop para makapag-internet habang nag-aaral. Distraction nga siya most of time actually, pero ayos lang, matalino naman ako e. HAHAHA
Everytime na may magcocomment sa blog ko, like dito, makakatanggap ako ng email. Eh ang nangyayari, kapag nakasign in ako sa YM, iaalert ako kapag may bago akong email. Useful siya actually, especially kung hindi ka mabukas ng email. Alala ko dati, nung natanggap ko yung balitang natanggap ako sa Stevens, dahil lang yun sa YM alert kaya ayun, nalaman kong pang-Stevens pala ang kalibre ko. HAHAHA. nagyabang pa e. amputa.
So yun, nakatanggap na naman ako ng alert today habang gumagawa ng Pre-lab for chem. Ito raw yung comment this time:
inspiring..mejo nakakaiyak..i like it especially ung song,nakakatouch,. thanks for reaching out those needy and unfortunate people…keep it up! be safe…;-)
So yun. Mejo nagulat ako. Kasi, yung huling post ko dito sa i.ph was yung song ni Rico Blanco, Track 8 ng Your Universe. hahaha. So yun, galing naman pala sa project kong blog dati. Ganun kasi sa high school noon, yung mga project, pinapablog na lang. Mga tatlo o apat na blog yata yung ginawa ko noon para sa mga project na yun.
That was a comment for the reflection thing I wrote before. You can read it here: http://onestepcloser.i.ph/blogs/onestepcloser/page/4/
Wala lang. Naalala ko bigla yung TD kids ko. I kinda miss them sometimes and now, i find myself wondering how they are doing and if they’re still in school. It’s sad that I didn’t get the chance to ask for their numbers para naman we could talk sometimes or what not.
Sometimes, when I don’t get to talk to people, especially those who are close or used to be close with me, it really makes me sad and wala, it usually makes me reminisce on the good times we used to have and eventually, I stop and hope that everything’s fine with them or that they’re happy. Ang lungkot lang kasi kung tipong yung susunod na mababalitaan mo sa kanila ay may nangyaring masama kanila or something kaya yun, magdasal ka na lang na ayos lang sila.
So yun, tama nang drama.
Napanood ko na ung twilight kanina. Ayos lang, yun lang pala yun. Siguro, mas nakakaenjoy siya basahin kesa panoorin. Ewan ko, di ganun kaganda. Pwede na. Okay rin pala kapag lazyboy, masarap bumulagta sa sinehan.
Nakuha ko na rin yung planner ko kaso, may nalungkot ata. hahaha. sorreh.Pero yun, ang bobo ko rin talaga. Nung tinanong ako kung ano gusto kong kulay, sabi ko, “Brown”. Ampuma. Tumawa na lang yung barista e. “Black” daw kasi yun. Tae na. Nabubulag na yata ako eh.So yun. Ayus. May gamit na ako for next year.
I’m gonna get new glasses! Wala lang, hindi na siya yung nagiging automatic shades. Najojologan na ako sa ganun e. Pero yun. Nagstep-up ako e, puta, Kenneth Cole yung frame e. POTA.
) kaya yun, inabot ng 12 thousand yung salamin ko. Dapat galingan ko mag-aral. hahahaha
Wala na akong maisip isulat. Hoy. Ikaw. Magcomment ka pag binasa mo to.
) Para naman malaman ko rin na binabasa nga to.
) baka burahin ko na to pag naburat ako.
) SESE. Babay. Aral na ako.


