Post Undas
November 2, 2008So yun, dumating kami kaninang mga 3pm galing sa Nueva Ecija. Masaya naman kahit papaano, and hindi talaga mawawala yung pagod sa pagbiyahe. Tae nang probinsya yan e, 2-4 hours yung biyahe. Wow.
Hindi ko talaga inisip na luluwas kami. Kasi, parang wala sa mood yung mga tao umuwi. Eh pero yun, nangyari, saturday morning, ginising ako ng maaga. Uuwi nga raw kami. Nung tinanong ko kung sino kasama, sabi nung katulong, kaming apat lang daw nung tatay ko at nung dalawang utol ko. Naisip ko na pwede naman palang maiwan kaya sabi ko, iwan na lang ako. Hindi pa nakuntento si yaya, at sinabing, magbihis na raw ako, kasi, ako yung magdridrive.
Wow. Ako raw magdridrive. Parang hindi totoo e. Pero, naniwala ako kay yaya ’cause I trust her talaga e. Kaya yun. Bumangon ako para magbihis, at maghanda ng mga gamit.
Paalis na raw kami kaya bumaba na ako. Mejo pasimple pa ako e. Ako kunwari yung nagabot ng susi ng oto sa tatay ko sabay nakangiti, yung tipong naughty ngiti. Kinuha nung tatay ko yung susi tapos sumakay sa driver’s seat, sabay umalis na kami. Wow. AKO PALA YUNG MAGDRIDRIVE.
Nung nasa tapat na kami ng Iglesia ni Kristo, huminto yung tatay ko, sabay sabing ako na raw yung magmaneho. Shet. Parang kinilig ako nun. Parang nakita ko bigla si John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa isip ko. Wow. Ako magdridrive.
Pero oh my goodness what the fucking hell naman. Apparently, dahil nga November 1 na nung sabado marami rin pala tulad naming pauwi pa lang ng probinsya. Excited nga akong magmaneho, pero hindi ko inakalang sa bamper to bamper pala ako sasabak. Sumakit yung paa ko at nakakainip pala magdrive kapag traffic. Buti na lang nagdala ako ng CD, kaya habang muntik na akong mabangga sa maguu-turn na jeep, humeheadbang muna ako sa tugtog ng Silent Sanctuary, sa Kismet.
Pagdating namin sa expressway, nagstopover kami sa Petron para magpafull tank ng aming tiyan. Lunch na kasi nun e, at nagutom ako sa lecheng traffic na yun. Buti na lang talaga maluwag sa expressway. Express na express e, kasi, lumagpas ako ng 100kph. WOW. Sorry, mababaw lang ako. Pagkakain, akala ko, ako pa rin yung magmamaneho, pero wala, tatay ko na ulit e. Kasi maluwag na. Thanks Dad.
hahaha
Pero wala. Ayos lang. Natulog na lang ako sa biyahe.
Ang masarap talaga sa tuwing umuuwi ako ng probinsya, yung pagkain na niluluto ng lola ko. Ang sarap e. Tae na. For dinner, yung hinain niya sa amin, Bistek. Yung beef na may toyo at sibuyas na masarap. haha. basta yun. Pero hindi. Hindi pala baka yun. Kalabaw pala. Wow kalabaw. Pero wala e. Ang sarap. Tas kaninang umaga naman, arroz caldo yung ginawa ng lola ko. Tae na. Sana ganun kasarap magluto yung longkatuts namin dito sa bahay para solb ako parati e. Kaso hindi e.
Mejo sabaw rin talaga yung mga tao sa probinsya minsan e. Pinapatakbo nilang mayor yung tatay ko. Tsismis na nga actually na tatakbo raw tatay ko. OH HO. Tae naaa. MAYOR ORLANDO MANINGAS. HAHAHA. amp.
Ayoko e. Lokohan yun. At ayaw rin naman ng tatay ko siyempre. Woot. Nasa tamang pag-iisip pasiya; di na siya makakapaggolf pag nagmayor siya e. AMP. GOlf pa rin. hahaha. Pero naimagine ko lang, kung mayor tatay ko, tae na.
) AKO SI DONDON, MAYOR TATAY KO, PAKISS NGA PLEASE. hahaha. RAPE TIME
) LABO.
So yun. Pauwi, kausap nung tatay ko yung mayaman niyang kapatid. Tas pinag-uusapan nilang gawing sementeryo yung isang lupa nila. Yun lang. Ang sabaw e. Masyado nilang nafeel yung Undas season kaya naisipang pagkakitaan yung mga patay.
) oh well. Okay lang naman yun. Ano kayang magandang pangalan ng sementeryo.. HULING HANTUNGAN… PEACEFUL RESTING PLACE… GOD’s FIRST STOP TO HEAVEN… Okay. Labo. Basta dapat, maganda, tipong, mumultuhin mo yung kamag-anak mo pag di ka dun ipinalibing.
) OA a.
) Yun lang. Sawa na ako. Babay.
Previous Comments
Add a comment



tangina. palayan dati ngayon sementeryo na=))
Posted by sprix at November 3, 2008, 12:15 am