2 weeks to go
October 27, 2008tapos na yung sembreak
Halos isang linggo na rin akong sembreak mode. Kasi, Oct 15, last day ko. Kaya yun, hindi ako makapagblog nun, daming ginagawa.
Ngayon naman, hindi rin ako nakapagblog masyado kasi walang ginagawa, sobrang natatamad akong gumawa ng kahit ano, kahit magblog.
So ano bang pinagkakaabalahan ko ngayon. Well, malinis na yung mesa ko. Ang dami kong papel na kung ano ano, kaya, binukod ko na yung mga itatapon at yung itatago. Basically, itatago ko yung ibang importante at may grade. Itatabi ko yung mga one sided paper at gagawin kong scratch paper para sa math 53. hahaha. math e. lots of scratch dapat. tapos, yung mga back to back, tapon na. babay.
Sinusubukan ko rin magbasa. Mejo nosebleed yung binabasa ko. Title pa lang e. Holy Blood, Holy Grail. HAHAHA. Naks. Hindi naman ganun kanosebleed pala, intriguing lang siguro. WEll, yun, tungkol siya kay Jesus basically, at may anak raw siya. Honestly wala pa ako sa part na yun, feeling ko malayo pa ako dun, wala pang one fifth yung nababasa ko. ngek.
Minsan, download na lang ng movies. Mama’s Boy. Forgetting Sarah Marshall. Hitch. Family Guy. Heroes. Ayan, kung ano ano na lang yung pinapanood ko para lumipas yung oras.
Tintin, alam mo, natutuwa ako sayo. Pero sana, wag kang masyadong umasa. Mahal na yung 9000. Baka hindi na ulit kita mapagbigyan. Pero, nakakamiss yung nanjan ka a. PAg ako lang kasi, mahirap. Sana libre na lang kasi. Wag ka na humingi ng trainer fee. Ang hirap magwork out pag wala ka. Dinadaya ko lang e.
) sana may 9000 ako, kung wla, libre na lang kitang dinner pagkatapos ng every work out. hahaha.
Kapag katawang enchong dee na ako, sasabihin ko sa mga tao, si tintin yung trainer ko, tapos dadami na yung kukuha sa yo, odiba. Lagpas pa sa 9000 na ililibre mo sa akin yung mababawi mo. hahaha
wala na. nagunaw na yung pangarap knog magkaMX-5. Pinuntahan namin yun nung tatay ko sa mazda. Ayaw niya yung porma e.
) hay, sana may kotse na ako.


