Tataya na lang ako sa lotto
October 1, 2008tae na. ilang araw na lang, tapos na yung first sem. 4 days na nga lang e. Ngayon pa talaga ako inatake ng katamaran. Pucha. Bakit ba kasi mas masarap humiga kesa mag-aral?
Hay nako. Kailangan ko ma-inspire.
Today, nakalimang manok na ako ng KFC. Pucha, ang laki talaga ng mga yun. Naisip ko tuloy kung saan kaya galing yung manok ng KFC. Ang laki e, di ko matake minsan. Pero, ang sarap kasi e, tas yung gravy pa, sinasabaw ko na yata sa kanin. OH HO. ang baboy ko naman.
Pansin ko, bumabalik na yung taba ko. Pucha, sayang yung pera ng magulang ko for september, di man lang nadapuan ng anino ko ang pintuan ng fitness first. Magggym talaga ako this sembreak. Kailangan maging sexy na ako. Katawang pangromansa. hahaha
Dahil sobrang tinatamad talaga ako kaya may naisip ako plano. Sa araw na feeling kong napakaswerte ko, tataya ako sa lotto. Ilalagay ko yung super duper kaduper lucky numbers ko, at dahil lucky day nga yun, ma-aaffect nun exponentially yung numbers na sinulat ko at tataas yung probability na manalo ako kasi nga (lucky number)^(lucky day factor)=increased probability of winning. OH HA. san ka pa.
Bibili ako ng isla pag nanalo ako. papatayuan ko ng mansion. at mall. dun ako titira.
pakshit sabaw.
ligo na lang ako. babay.


