Scribbled Nonsense
July 21, 2008Wrote this the other day.
Hindi totoong gagaling ka magsulat
Sa mga oras ng pighati.
Hindi totoong solusyon sa problema
Ang paglangoy sa dagat ng serbesa.
Hindi totoong kailangan mong humanap
Ng ipapalit pansamantala.
Inaasahan mong hindi totoong
Mahal niya na siya.
Inaasahan mong maramdamang muli
Ang init ng yakap niya.
Inaasahan mong siya sa ‘yo’y
Umiibig pa.
Ang totoo’y hirap ka magsulat
Ng mga linyang may tugma.
Ang totoo’y siya lang
At wala nang iba.
Ang totoo’y mahal mo siya
Ngunit ito ba sa kanya’y mahalaga?


