Paranoia
May 19, 2008Natapos ko na rin sa wakas ang aking essay na hinihingi ng Stevens.
Na-email ko na sa kanila lahat ng papeles na aing pinascan.
At ngayon, napaparanoid ako kasi sobrang nag-eexpect ako ng reply from them saying na natanggap na nila lahat ng requirements ko at okay na. Nako. Sana magreply na sila soon. Parati kong nirerefresh ang gmail at yahoo inbox ko baka sakaling nag-email na sila about it.
Pina-FedEx ko na rin pala lahat ng papel ko kanina. Sabi nila pwedeng kahit mail na lang para mas mura kaso matagal ata yun dumating, kaya FedEx na lang para sure. 1480 rin binayad ko para dun. Darating daw yun dun sa thursday (wednesday sa kanila). Hayyy. Sana talaga natanggap na nila.


