BUM BUM BUM BUM
May 13, 2008hahaha. So far, ang laki kong bum dito sa bahay.
Since we got back from the states, my family hasn’t gone out yet. We haven’t eaten outside. We haven’t watched a movie ( Ironman!
). We haven’t left our house. Nagtitipid? wahaha
Sobrang nakakainip dito sa bahay. Walang magawa. Sawa na ako sa PS3.
Naengganyo akong mag Photoshop kahapon pero ngayon, parang hindi na ulit. Ewan ko, siguro, hindi lang talaga ako yung tipo na gagaling sa ganong bagay. Ipinanganak akong walang Creativity gene kung kaya’t natutuwa na ako pag makapagdrawing ako ng matinong kamay ng relos.
Sa thursday na yung huling araw ng aking driving lessons. 10 hours lang kasi yung pina-enrolan ko. Sa A1 ako nagenrol kasi, wala, dun ako inenrol eh. Ang masasabi ko lang, hindi pa ako ganun kahandang magmaneho sa kalsada. Hindi pa ako masyadong alerto and stuff. Tipong tangang driver pa rin. Ang nakakainis din, hindi pala ako yung nagpepreno. =)) Grabe. Napansin ko kanina na gumagalaw mag-isa yung preno ko: Inapakan ni ser yung preno niya. Kaya yun, kailangan ko pang maging listo.
Kailangan kong lumabas ng bahay. Nabubulok na isip ko dito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Napaisip ako kung tama ba yung desisyon kong mag-aral sa UP. Hindi pala, kung tama bang hinayaan kong ang mga magulang ko ang magdesisyon para sa akin. Wala lang, pag naiisip ko kasi, gusto ko naman pareho yung UP at Ateneo ang talagang nagpagulo lang eh yung kung ano ang pipiliin kong kurso, CE o ME. Nasabi ko na minsan sa isang kaibigan na kaya ko gustong mag-CE dahil gusto kong magpatayo ng mga gusali tapos tipong pag dumaan ako dun, sasabihin ko sa kasama ko na, " Ako nagpatayo niyan. ". Mababawa pero parang napaniwala ko ang sarili ko na yun talaga ang gusto ko. HAYYYY. Saka ko na to itutuloy kapag hindi na rin malabo para sa akin.
Kung ano-ano naiisip ko kakatambay ng bahay eh =))
Onga pala. Ikaw. Magdate na nga tayo.
) kaso, walang maghahatid sa akin.


