Old School
March 29, 2008Wala lang. Gusto ko lang magblog tungkol sa pabirito kong banda.
gustong-gusto ko talaga yung Eraserheads. shet.
nainlab ako sa kanila kahit hindi ko man lang sila napanood ni minsan. Tanging pagkakataon ko na lang na mapanood sila ay kung magkaroon man sila ng Reunion gig. hay.
gusto ko yung mga kanta nila. ganun. hahaha. pinapakinggan ko kasi ngayon yung anthology 1. so yun. naisipan kong magblog tungkol sa kanila. hahaha.
nakakalungkot lang talaga na hindi ko nakokumpleto ang mga album nila. meron ako nung apat.
tapos.
gusto ko rin yung libro! oo! yung libro! Fruitcake yung title.
Merong ganun sa library namin sa high school dati, kaso, nung nanakawin ko na, naisip ko, ipagkakait ko sa ibang tao ang isinulat ng paborito kong banda. so. sinauli ko.
pero
may iba nang dumekwat kasi wala dun after ilang buwan.
hahaha. maghahanap ako ng filipino record store at book store sa states. baka meron silang eheads stuff dun.
Big day na nga pala bukas. graduation ko na. hahaha.
alam niyo ba, na nung araw na umalis si Ely sa Eheads, tinext niya sina Markus, Raimund, Buddy, ng ganito, " Graduate na ako. "
hahaha. sabaw, ayoko na magblog. ang random ng entry na to.
graduate na ako.
Add a comment


