13 march
March 13, 2008okay. so sobrang nahuli pala yung ipinangako kong update. kasi. sobrang busy ako sa pagpapahinga. hahaha.
so yun.
I guess isa na to sa pinakamemorable na birthday ko ever. basta. yun. sobrang masaya talaga ako. salamat sa mga taong kasama ko nung araw na yun.
Hindi pa rin talaga ako nakapagdedesisyon kung anong kukunin ko. Kung ME o CE. Kung Ateneo o UP.
Kanina, nakatanggap ako ng sulat galing sa UP. Galing sa College of Engineering nila. So yun. Ipinapatake nila ako ng test tapos kung mataas ako dun, bibigyan nila ako ng study grant sa Geodetic Engineering. Soooooo. Land Surveying ata yun. =)) ang sabaw naman.
WOAH! Sign kaya ito na dapat akong mag-UP? :O
Pero ewan ko. Tinanong ko nanay ko kung ano bang pwede kong gawin para makapagdesisyon ng talagang gusto kong kurso, pero wala, sabi niya, magdasal ako.
Hindi ako yung taong paladasal. Ewan ko. Siguro mas naniniwala lang talaga ako sa paggawa mismo. Parang, mas umaasa ako sa kakayahan ko kesa sa pagdadasal. Kasi, yun naman talaga yun eh. Kung puro dasal na lang, walang mangyayari.
Okay. Bat ba napunta sa pagdarasal.
) labo.
Ang Inoherent pala ng entry na to pansin ko lang.
Pupunta nga pala kaming states ng pamilya ko sa summer.
Sa totoo lang. Hindi ko magets kung bakit napakalaking big deal ng pagpunta sa America. Hindi ko alam kung anong meron dun. Oo masarap siguro magshopping dun pero lahat naman ng nandun nandito na rin. Yung mga kano nga, pumupunta dito eh. Kasi, NASA PILIPINAS ANG WALA SA KANILA.
)
OKAY. SABAWWW. tama na. babay,


