Magulang
February 9, 2008Naaalala ko pa noong bata ako, na pag may ginagawa akong mali, like awayin ang kapatid ko o ihiian yung mga halaman sa tapat nung luma naming bahay, kinukurot ako nung nanay ko o pinapalo ako ng sintron ng tatay ko.
Napakasimple.
Sinasaktan ka nila physically dahil mali yung ginawa mo at matututunan mong huwag nang gawin yun para di na masaktan ulit. Napakasimple dahil yung sakit pan-disiplina hanggang tenga lang o kaya pwet. Mawawala rin.
Siyempre ngayon, desi-siyete na ako at hindi na ako dinidisiplina ng ganun. Minsan, kung di makatiis nanay ko, nakukurot pa niya ako, kasi sa sobrang inis o kaya kyut lang talaga ako pag kinukurot.
Kanina, pinagsabihan nila ako. Nakatutuwang isipin, na habang pinagsasabihan nila ako, namimiss ko yung kurot at sintron dahil mas masakit pala yung pinagsasabihan.


