Radioactive part 2
February 4, 2008tulad ng ipinangako ko. hahaha
paborito ko tong fair na to dahil, ito lang talaga yung fair na pinuntahan ko. di ko maalala yung fair nung first year at yung fair nung second year. hahah. ewan ko, kasi, hindi ako pumunta dun at natulog lang ako sa bahay. pero, this year, pumunta ako bilang suporta na rin sa mga kaklase kong nag-ayos ng fair.
isa pang dahilan kung bakit favorite ko tong fair na to dahil ito yung unang beses na pumunta akong fair kasama ang girlfriend ko.
hahaha. wala lang. masaya. basta. masaya lang ako na kasama ko siya kahit college na siya at kahit parating pinapanis ng school niya yung ateneo sa basketball. hahaha. i lab yu.
isa pang dahilan kung bakit nagustuhan ko tong fair na to, kasi, nakilala ko yung isang miyembro ng pinaka-idolo kong banda. kasi, ganito yun, favorite ko yung bandang eraserheads. pero, never ko silang napanuod. tae. hahaha. daig pa akong nung girlfriend ko. so yun, nakilala ko yung lead guitarist nilang si Markus Adoro. Nakita ko siyang nagyoyosi sa tapat ng Sibol. Tapos, nung marealize kong siya yun, lumapit ako at nagpapicture. bumili na rin ako ng album nila at pina-autograph sa kanya. hahaha. Yung album nung bago nyang banda, Markus Highway.
pinakakinggan ko, feeling ko, masarap pakinggan sa loob ng kotse habang papunta sa beach. Yun yung pinakafeel nung album, para sa akin.
anyway, yun lang.
lex, magkakuryente na sana sa inyo.



