Christmas Vacation
December 21, 2007Well, Christmas vacation has begun.
hindi ko talaga alam kung ano gagawin ko ngayong bakasyon.
Wala yung driver namin so malamang-lamang na di ako makalalabas ng bahay.
nakuha ko na yung SAT scores ko. 1770. Nagunaw na ang pangarap kong makapag-aral sa banyagang institusyon.
May SAT subject tests ako sa January. Math 2, Physics at Chremistry. PWede knog ireview ang mga yan dahil meron naman akong reviewer para jan. sana sipagin.
Marami pa akong mga nobelang hindi nabubuklat. Lagpas 10. wah. di na muna ako bibili. uubusin ko na muna yun.
Gusto ko ng bagong album. shet.
Wow. Darating ang My Chemical Romance sa Pinas. The Fort. January 25.Inquire at Ticketnet.
Shet. SAT Subject Tests –> January 26. @_@ Mapua Mode na naman ba to? hahaha
alin ang mas matimbang…
Nakuha ko na yung Starbucks Planner. hahaha. Aliw naman. Maganda. Di ko lang talaga alam kung paano pupunuin yun. Naadik na nga pala ako sa kape simula nung kolektahin ko yung mga stickers na yan. Mahilig na ako sa Peppermint Mocha. Ansarap.
Galing pala kaming PGH kanina dahil nangaroling kami sa 2 pedia ward ng ospital. Nakalulungkot makita yung mga sitwasyon nila. Sobrang hirap ng kalagayan nila. Sobrang hirap mag-alaga ng pasyente. Sobrang hirap magkasakit. Ayaw ko palang nakakikita ng mga taong may sakit at nagdurusa. Di ako pwedeng magdoktor. Naalala ko nung naiyak ako nung makita kong inadmit ang tatay ko. Wala lang. Di ko kinaya. Bading siguro ako.
hayyy. Sana maging masaya ang lahat ngayong pasko. Pati na rin yung mga nakita ko sa PGH. Makadama sana sila ng kaginhawaan pagdating ng pasko.
Previous Comments
oo… bading ka chucks. wag ka maniniwala sa gf mo..bdaing ka talaga! haha. peace! :O pedia ward? nakakita ka ba ng batang may nakasabit na NGT? mukha ngang mas masigla pa sakin yung iba. kaya nakakatuwa din minsan. HAYPAYB! parehas tau ng fave.peppermint mocha yung frap. wag lang hot. kadire e.
Posted by lou at December 30, 2007, 10:31 pmAdd a comment



hahaha. natawa ako kasi ngayon ko lang nabasa ng matino tong blog entry mo. ahahah. hindi ka bading. emotional ka lang masyado
Posted by madel at December 23, 2007, 11:20 am