Since you’re already asleep
November 24, 2007i shall write a blog entry about you and how you have affected my life now that it has already been a year since we started to be close and ended up becoming this. <3
haha
si reyvin talaga may kasalanan ng lahat ng ito eh. Kasi, siya yung nagdeliver nung invitation sa classroom ko. galing pa nga akong banyo nun eh, tapos, nakatayo siya sa may classroom ko at may dalang invitation para sa isang pagdiriwang alang-alang sa iyong kaarawan. hindi ko talaga alam na birthday mo pala nun. sorry. haha. nagulat nga ako eh.
ayun. nung nakita kita dun. hindi naman sa sobrang nabighani agad ako sa yo. hindi rin yung tipong patay na patay na ako sa yo. dahil hindi ka naman ganun kaganda (joke! haha ). tipong, ayos lang na parang napansin kong may nagbago at gumanda ka. haha. ang-evolve kumbaga. which is good by the way.
tapos. we started texting. tapos nun, nagsimula na akong maaliw sa iyo. mabighani sa iyong mga kasabawan. at kalokohan. at kakulitan. haha. ang kulit pa nga na nakakapag-imbento tayo ng mga terms eh. like Marathon na naging Mara. Usap hanggang umaga. haha. Ang hirap pa talaga magtelebabad nun. Kailangan pa talaga ng Sneaky powers para maitakas ang landline. At inexplain ko rin sa yo kung bakit 7 letters ang apilido kong Maningas. Well, natuwa lang kasi ako na 7 lahat ng letters ng pangalan mo. so ginaya kita. at nagawan ko naman ng explanation kung bakit 7 din yung Maningas. harhar. para lang masabi na meant to be tayo. =))
yown. sobrang naaasar din ako sa twing kinikwento mo sa akin yung mga crush mo… as in! ako parang " Powtek naman! Nahuhurt ako! " hahaha! Bat ba kasi napogian ka sa mga yon? taposs, ang emo mo pa. laman lang ng blog mo puro siya. nagdurugo puso ko sa tuwing nakikita ko yun. tapos, yung mga album mo rin, puro kayo! ang sweet niyo pa! akala ko talaga wala ng pag-asang mapansin mo ako and shit. dahil sobrang natatabunan niya ako. tipong, natatakpan lang ng anino niya. ganun. labo. haha. kasi parang, di mo ako napapansin. dahil sobrang type mo siya. sabaw. ahaha. anak ng,. alam mo ba yun?
kung iwan kaya kita? maging main subject ba ako ng blog mo at pupunuin mo ng pictures at emo blog entries ang mga blog mo? joke. hahaha
sobrang stuggle i-type ang address mo dahil deep inside, feeling ko, magseselos lang ako. hahaha.
Nagiisip pa nga ako ng mga excuse para lang magkita tayo at makapag-"date", well, in a way.ano ba yun. yung isa, sabi ko, bibigyan ata kitang birthday gift. tapos. yung isa. kukunin ko palanca ko sa yo. tapos yung isa yung kukunin ko yung pangalawa mong palanca sa akin. tapos. yung mga sumusingit ako sa mga gimik niyo ng kaibigan mo. haha. buti di sila nagalit sa akin. haha. di lang talaga natuloy yung last-two-starbucks-stickers plan ko. naunahan ako ng tatay mo eh. hahaha
but still, ang lakas mo pa nga sa akin eh. biruin mo. isinakripisyo kong palitan ang aking prom date para ikaw ang maisama ko. haha. at. yown. good decision pala. natuwa naman ako dahil ikaw inaya ko. at masaya. at memorable ynug prom night. okay nga eh, hindi ako nahiyang kumain ng marami sayo dahil masiba ka rin. JOKE! hahaha.
nakow. maghanda ka na sa grad bowl ko. hahaha.
nakakalungkot na hindi na ganun kafrequent ang ating pagkikita. dati kasi pwede kitang bisitahin at tatambay lang tayo dun sa beanhoppers o kaya sa japanese place. OMG. hindi ko alam pangalan ng lugar na yown! hmm. basta, yung palagi nating inoorderan ng tempura. ang sarawp eh. hahaha
natatawa nga si mommy nung kinikwento ko kung paano kita binibisita sa uste. ang sabaw ko daw. at yown. nagshare rin siya. kung paano siya binisita ni dad sa mindanao. hahaha. ANLABO. hahaha. TAPOS! YUNG LOLO EXPERIENCE! tangena. haha. di ko makalilimutan yun. " Ako, hindi mo ba ako susubuan? " HAHAHA! Laugh trip eh. na weird. na awkward. gawin ko nga yun one time. hahaha.
Buti na lang talaga na gumana yung mga pagpapaselos ko sa yo. at umamin kang type mo rin ako. sabi ko na nga ba eh. hahaha. pero yun. wala eh. i got desperate. at ayaw ko ring umamin. SISSY. kailangan ko muna ng signals. dahil. ayaw kong mabasted. =)) at yun nga. nagselos ka eh. HAHA!
bat nga ba kita tinanong sa Cello's? wala lang. dun lang kasi yung naisip kong place na tahimik. at wala masyadong tao. hahaah. nakajersey ka pa nga nung day na yun eh. naaalala ko pa. at binigyan din kita ng bracelet galnig subic. haha. sa donut place kita tinanong dahil wala lang, baka lang um-oo ka gamit yung donuts. haha. like sabihin mo na lang na " Ano ba sabi ng donuts? ituturo yung 2 donuts na magkatabi na mukhang OO ) ".
ang dami ko na palang naibibigay sa yo. wow. hahaha. sugardaddy yata ako deep inside. labo. hhaha. wala lang. i hope nagugustuhan mo yung mga yon. hahaha
wala lang.
all in all. sobrang nabago mo ako. for the better. which is good. hindi na ako apathetic. at snob. at tamad. at magastos. hindi ka naman naging factor para maging kumpleto buhay ko. dahil, nabuhay naman ako noon nung wala ka pa. pero, ngayong parte ka na ng buhay ko. ayaw na kitang mawala. dahil. mahal kita. at yun. ikaw yung sobrang nagiinspire sa akin. at. yun nga. tulad ng nasabi ko na sa iyo dati. you make me want to be a better person not because i see you as someone who is not a good person but because i hold your opinion of me highly and that yun, i want to change lang for you.
okay
hahaha
yun lang
sabaw na ako
natulog ka pa kasi eh.
i love you.
Previous Comments
Add a comment



AWWWWWWWWWWWWWWWW. wala. haahha.
natatamad akong magtype para maiexplain kung anong nafeel ko sa sinulat mo. basta basta. hahaha
♥
Posted by madel at November 25, 2007, 10:42 pm