thoughts while cramming
November 20, 2007paano ba maging masaya?
wala lang. nainspire lang ako habang nagbabasa.
ano ba ang kasiyahan/kaligayahan?
magiging masaya ako kapag nagkaroon ako ng bagong laptop. bagong damit. bagong relos. bagong sapatos. bagong kotse( yung sarili ko lang ), sariling condo. ganun.
materialstic ako.
hahahaha.
pero yun nga. naisip ko lang na, para makadama ng kaligayahan, kailangan mo munang magkaroon ng konsepto ng kalungkutan dahil kung wala nito, wala ka rin sigurong magiging konsepto ng kasiyahan. Kumbaga, yun yung magiging basehan mo ng kung ano ang nadarama mo. Dualism. In the absence of pain and suffering, there is joy and bliss kumbaga.
Tapos nun. ewan ko na. may kanya-kanya naman kasi tayong gusto sa buhay o kaya mga bagay na magpapasaya sa atin na hindi kailangang maging materyal na bagay.
kalayaan
hustisya
pag-ibig
yang mga yan.
pwede ring mga materyal na bagay tulad nung mga sinulat ko kanina.
pero, kung ganun ang kalayaan, ang pagkamit ng mga nais natin, maikakahon ba ang kaligayahan sa ganoong level lamang? yun lang ba yun?
ang labo ng mga naiisip koo. kahit ako. hindi ko alam eh.
olrayt. physics exams na muna ulit. bye.


