kaligayahan
November 9, 2007natapos ko nang isulat ang aking papel para sa TD.
buti na lang hindi mo na ako hinintay. inabot ako ng isang oras eh. =))
Tungkol kasi yun sa pagbisita ko sa bahay ng aking mga estudyante. Ang TD kasi, parang NSTP ng college ganun. Nagtuturo ako ng mga bata sa isang pampublikong paaralan sa Marikina.
~~~~~~~~~~~~~ Dahil wala pa akong maisip idagdag, heto yung sinulat ko
~~~~~~~~~~~~
Hindi sapat ang mga natututunan ko sa mga libro dahil hindi lahat ay matututunan dito dahil, marahil, hindi sapat ang mga salita upang saktong makuha ang tunay na realidad na ganap sa lipunan.
Marangya ang aking pamumuhay kumpara sa ibang mamayang Pilipino: nakatira ako sa isang desenteng tahanan; nag-aaral sa isang eksklusibong paaralan; kumpleto sa mga kagamitan; hindi nahuhuli sa uso; sa madaling salita, nasa akin na ang lahat at dapat na maging masaya ako. [ ang kapal ko @_@ ]
Wala akong konkretong konsepto ng kahirapan. Ang salitang “mahirap” ay iniuugnay ko sa mga taong salat sa mga pangangailangan: pagkain, tahanan, edukasyon, at salapi. Ngunit, hanggang doon lamang iyon. Pawang mga salitang nabasa ko sa mga libro o narinig sa mga diskusyon sa paaralan.
Nagbago ang lahat noong ika-21 ng Oktubre bago pa man magtanghali. Noong araw na iyon, pumunta ako sa Nangka at isa-isang binisita ang mga tahanan ng aking mga estudyante.
Naranasan kong maglakad sa ilalim ng mainit at nakapapasong mga sikat ng araw haluan pa ng masangsang na amoy ng hangin at maalikabok na kapaligiran [ OA, ano ba ako? Artista? Sabi nang POGI lang ako. Hindi Artista. =)) joke time. ] . Nakarating ako ng mga bahay na wala man lang yatang ilaw, sapat na kapagamitan o kasangkapang pambahay, o yerong matibay na sandigan sa pagsapit ng ulan. [ TRUE! ]
Salat sila sa mga pangangailangan. Isang bagay na matagal ko nang alam ngunit sa panahong iyon lamang na sukdulang tumalab at tumagos sa aking damdamin [ Naks. Halata na bang may pagka-bolero ako? hahaha. Sana gumana
]. Iba ang nakikita sa mga libro sa nakikita sa tunay na buhay dahil, dito, hindi lamang ito nakikita ngunit ito’y nararanasan; naranasan ko ang “kahirapang” sinasabi ng ilan.
Ang isa pang aking naranasan ay isang bagay na maaring kailan may hindi lubusang mailalarawan ng mga salitang nakaimprenta sa mga libro ay ang kaligayang nakita ko sa kanila.
Sila’y masasayang tao. Hindi ko alam kung tama ang nakita ko, ngunit, kahit ganoon ang kalagayan nila, masaya pa rin sila. Kapantay ng kanilang mga kakulangan ang kanilang kasiyahan. Sa kabila ng kanilang kahirapan, nagagawa pa rin nilang ngumiti at sadyang hindi ko mapigilang humanga.
Ang pagbisita sa kanilang mga tahanan ang nagpaningas ng aking hangaring pag-ibayuhin pa ang aking pagturo sa aking mga estudyante. Nais ko pang turuan ang aking mga estudyante hanggang sa “sabawin” na kaming lahat kakaaral ng mga leksyong sa tingin ko’y magagamit nila sa hinaharap, sa kanilang pag-abot sa kanilang mga bituin, sa kanilang mga pangarap. [ Bituing walang ningning. yung drama. labo. hahaha ]
Hindi ko ipinagkakailang mahirap ang magturo lalong-lalo na’t hindi ako bihasa sa pagtuturo ng mga leksyon. Subalit, handa akong subukang gawin ang lahat ng aking makakaya at sana’y maging kapantay ng aking “kahirapang” mararanasan sa pagtuturo ang kaligayahang matatamo kapag nakita ko silang natututo at masaya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
okay. yun lang. nakakahiya naman. hahaha. pero. pinilit ko talagang maging sincere jan ah.
) no joke.
siyempre aayusin ko pa yan. sa monday pa naman due eh, pero, marami akong plano sa weekend kaya better start lessening the load.
at iyon.
sa karanasan na iyan, naisip ko kung ano ba yung mga bagay na nagpapasaya sa akin. ano ba ang kaligayahan sa akin. kasi, iba-iba yata yan eh.
isa na siguro sa mga karaniwang nagpapasaya sa akin ay kapag nakukuha ko ang mga materyal na bagay na gusto ko. tipong, pag gusto ko ng bagong selepono, at makukuha ko iyon, syempre gamit ang datong ng aking erpats at ermats, masaya ako. bagong phone! bagong karapatang para mainggit ng mga tao.
isa na rin yung kapag, mataas yung grado ko. yung tipong, alam kong nagsikap ako at nakakuha ako ng mataas. satisfying at sobrang masaya. masaya rin kapag hindi ako nag-aral pero mataas pa rin ako. ganun.
pwede rin yung kapag kasama ko yung mga taong mahal ko sa buhay. siyempre, kasama na dun yung pamilya ko. sobrang masaya talaga ako sa tuwing magkakasama kami, tipong tuwing lumilibot kahit saan. kahit sa mall lang. o kaya sa probinsya. ganun. gusto ko lang talaga sila kasama. tapos siyempre, kasama si bebs sa mga taong mahal ko at siyempre, masaya rin ako pag kasama ko siya
[aylabyu, bati na tayo]
pero, iba talaga yung saya kapag nakatutulong ka sa kapwa. as in yung tulnog na walang kapalit.
naranasan ko na yun eh. kasi. may mga kaklase akong kulang ata yung dila at hindi marunong magtagalog, kaya, sa tuwing may mga kailangan isulat na tagalog, tulad ng mga tula o mga essay, lumalapit sila para sa akin para magpatulong o magpagawa. minsan babayaran nila ako. 200 ganun. yung isa 500, pero sa physics naman yun. minsan kung mabait ako, hihingi na lang ako ng baon nila. hahaha. masaya rin namang kumita pero, parang hindi ganap yung pagtulong mo eh.
iba pag nakakatulong ng walang kapalit. sobrang saya. magaan sa pakiramdam. nakakapagod oo. pero, satisfying, fulfilling. nakatulnog ka na sa kapwa mo, nakascore ka pa sa "Good" scoreboard ni God sa heaven. hahaha! at tulad ng sabi ko sa isinulat ko, hindi sapat ang mga salita upang mailarawan ko ang nadarama ko ang kakaibang kaligayahan natatamo sa pagtulong. Beyond words mehn. hahaha
[okay. sabaw na ako. namiss ko atang magblog. ang haba nito. ]
Previous Comments
alam mo alam ko yung feeling na maging mahirap
pag kasama kita, feeling ko poor ako. hahaha. filthy rich kasi eh. hahaha.
joke.
seriously, ang fulfilling ng ganung feeling kasi we had the same activity din nung highschool eh. with the homevisit and stuff pa. hay… i miss it tuloy.
tumulong ka sa mahihirap dahil ikaw ay nabiyayaan.share it. kaya chucks, pag-aralin mo naman kami. DOM. haha. haha.
Add a comment



hala, may baby na si bebs mo.. sa tubig nakatira. haha. ako nagbigay. ay, cge, may physics na kami, pag magpatulong kami, eh ishare ko sau ang baon kong pandesal ha.
Posted by vian at November 9, 2007, 8:58 pm