Home » Archives » 09. November 2007

kaligayahan

November 9, 2007

natapos ko nang isulat ang aking papel para sa TD. 

buti na lang hindi mo na ako hinintay. inabot ako ng isang oras eh. =))

Tungkol kasi yun sa pagbisita ko sa bahay ng aking mga estudyante. Ang TD kasi, parang NSTP ng college ganun. Nagtuturo ako ng mga bata sa isang pampublikong paaralan sa Marikina. 

~~~~~~~~~~~~~ Dahil wala pa akong maisip idagdag, heto yung sinulat ko :D ~~~~~~~~~~~~

 

Hindi sapat ang mga natututunan ko sa mga libro dahil hindi lahat ay matututunan dito dahil, marahil, hindi sapat ang mga salita upang saktong makuha ang tunay na realidad na ganap sa lipunan.

Marangya ang aking pamumuhay kumpara sa ibang mamayang Pilipino: nakatira ako sa isang desenteng tahanan; nag-aaral sa isang eksklusibong paaralan; kumpleto sa mga kagamitan; hindi nahuhuli sa uso; sa madaling salita, nasa akin na ang lahat at dapat na maging masaya ako. [ ang kapal ko @_@ ]

Wala akong konkretong konsepto ng kahirapan. Ang salitang “mahirap” ay iniuugnay ko sa mga taong salat sa mga pangangailangan: pagkain, tahanan, edukasyon, at salapi. Ngunit, hanggang doon lamang iyon. Pawang mga salitang nabasa ko sa mga libro o narinig sa mga diskusyon sa paaralan.

Nagbago ang lahat noong ika-21 ng Oktubre bago pa man magtanghali. Noong araw na iyon, pumunta ako sa Nangka at isa-isang binisita ang mga tahanan ng aking mga estudyante.

Naranasan kong maglakad sa ilalim ng mainit at nakapapasong mga sikat ng araw haluan pa ng masangsang na amoy ng hangin at maalikabok na kapaligiran [ OA, ano ba ako? Artista? Sabi nang POGI lang ako. Hindi Artista. =)) joke time. ] . Nakarating ako ng mga bahay na wala man lang yatang ilaw, sapat na kapagamitan o kasangkapang pambahay, o yerong matibay na sandigan sa pagsapit ng ulan. [ TRUE! ]

Salat sila sa mga pangangailangan. Isang bagay na matagal ko nang alam ngunit sa panahong iyon lamang na sukdulang tumalab at tumagos sa aking damdamin [ Naks. Halata na bang may pagka-bolero ako? hahaha. Sana gumana ;) ]. Iba ang nakikita sa mga libro sa nakikita sa tunay na buhay dahil, dito, hindi lamang ito nakikita ngunit ito’y nararanasan; naranasan ko ang “kahirapang” sinasabi ng ilan.

Ang isa pang aking naranasan ay isang bagay na maaring kailan may hindi lubusang mailalarawan ng mga salitang nakaimprenta sa mga libro ay ang kaligayang nakita ko sa kanila.

Sila’y masasayang tao. Hindi ko alam kung tama ang nakita ko, ngunit, kahit ganoon ang kalagayan nila, masaya pa rin sila. Kapantay ng kanilang mga kakulangan ang kanilang kasiyahan. Sa kabila ng kanilang kahirapan, nagagawa pa rin nilang ngumiti at sadyang hindi ko mapigilang humanga.

Ang pagbisita sa kanilang mga tahanan ang nagpaningas ng aking hangaring pag-ibayuhin pa ang aking pagturo sa aking mga estudyante. Nais ko pang turuan ang aking mga estudyante hanggang sa “sabawin” na kaming lahat kakaaral ng mga leksyong sa tingin ko’y magagamit nila sa hinaharap, sa kanilang pag-abot sa kanilang mga bituin, sa kanilang mga pangarap. [ Bituing walang ningning. yung drama. labo. hahaha ]

Hindi ko ipinagkakailang mahirap ang magturo lalong-lalo na’t hindi ako bihasa sa pagtuturo ng mga leksyon. Subalit, handa akong subukang gawin ang lahat ng aking makakaya at sana’y maging kapantay ng aking “kahirapang” mararanasan sa pagtuturo ang kaligayahang matatamo kapag nakita ko silang natututo at masaya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

okay. yun lang. nakakahiya naman. hahaha. pero. pinilit ko talagang maging sincere jan ah. :) ) no joke.

siyempre aayusin ko pa yan. sa monday pa naman due eh, pero, marami akong plano sa weekend kaya better start lessening the load. 

at iyon.

sa karanasan na iyan, naisip ko kung ano ba yung mga bagay na nagpapasaya sa akin. ano ba ang kaligayahan sa akin. kasi, iba-iba yata yan eh.

isa na siguro sa mga karaniwang nagpapasaya sa akin ay kapag nakukuha ko ang mga materyal na bagay na gusto ko. tipong, pag gusto ko ng bagong selepono, at makukuha ko iyon, syempre gamit ang datong ng aking erpats at ermats, masaya ako. bagong phone! bagong karapatang para mainggit ng mga tao.

isa na rin yung kapag, mataas yung grado ko. yung tipong, alam kong nagsikap ako at nakakuha ako ng mataas. satisfying at sobrang masaya. masaya rin kapag hindi ako nag-aral pero mataas pa rin ako. ganun. :D

pwede rin yung kapag kasama ko yung mga taong mahal ko sa buhay. siyempre, kasama na dun yung pamilya ko. sobrang masaya talaga ako sa tuwing magkakasama kami, tipong tuwing lumilibot kahit saan. kahit sa mall lang. o kaya sa probinsya. ganun. gusto ko lang talaga sila kasama. tapos siyempre, kasama si bebs sa mga taong mahal ko at siyempre, masaya rin ako pag kasama ko siya  ;) [aylabyu, bati na tayo]

pero, iba talaga yung saya kapag nakatutulong ka sa kapwa. as in yung tulnog na walang kapalit.

naranasan ko na yun eh. kasi. may mga kaklase akong kulang ata yung dila at hindi marunong magtagalog, kaya, sa tuwing may mga kailangan isulat na tagalog, tulad ng mga tula o mga essay, lumalapit sila para sa akin para magpatulong o magpagawa. minsan babayaran nila ako. 200 ganun. yung isa 500, pero sa physics naman yun. minsan kung mabait ako, hihingi na lang ako ng baon nila. hahaha. masaya rin namang kumita pero, parang hindi ganap yung pagtulong mo eh. 

iba pag nakakatulong ng walang kapalit. sobrang saya. magaan sa pakiramdam. nakakapagod oo. pero, satisfying, fulfilling. nakatulnog ka na sa kapwa mo, nakascore ka pa sa "Good" scoreboard ni God sa heaven. hahaha! at tulad ng sabi ko sa isinulat ko, hindi sapat ang mga salita upang mailarawan ko ang nadarama ko ang kakaibang kaligayahan natatamo sa pagtulong. Beyond words mehn. hahaha

[okay. sabaw na ako. namiss ko atang magblog. ang haba nito. ] 

Posted by chucks at 1:25 am | permalink | comments[3]

     

November 2007
M T W T F S S
« Oct   Dec »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Message Board

Ignorer:

I’ve only spent a short amount of time in the Philippines but I must say it’s a wonderful place. But anyway, I just wanted to stop by because I’m reading blogs about Manila. and found your site on yahoo. If you can share any tips on things I must do while here in manila then I would really love to hear them

marikit:

I enjoy reading your blog! :) This is really a good read. added you to my favorite blogs. :) hope you read mine and add me too. :)

John:

Loving the blog, is it free to get i.ph?

chep:

alam kong hindi lang tong mga post mo ang makulit pati ikaw mismo makulit hahahaha

Mia:

Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog din ang sabaw! Pre, galing ng site mo! Naaliw ako sa mga makulit na insights! Keep it up, and will add u on my blog reads. Peace!

chris:

wow nice..

ang kulet ng blog site.. next time gawan mu naman ng ulam at kanin na.. hehe

Anon lang:

3rd ka sa results pag ginoogle mo ang ’sabaw’. (Kaya rin ako napadpad dito.) Ayos, ipagpatuloy mo yan! \m/

bern:

HEY! you’re from UPD engg din??! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

ceedee:

blog hop! :)

tink:

may i know the name of your dad? are you from penaranda?

tiffany charoline yhap:

hi!!

6uiz..

rhein:

padaan sa page mo :-P

xdalisayx:

hehe. tama ka, ilabas ang mga kaek-ekan, ang lahat ng sama ng loob. salamat din sa pagdaan sa sayt ko. hehe.

Bangs:

WIN ang words of beerdom. :D

Pogi:

Pogi pakiss!

Anna Maningas:

Eow powhz. ^^

Pach:

is your number 1 fan, sorry i don’t get to read much. will update myself with your aweome insights. goodluck in your writing career, much love.

daddy orlando:

di ka pa nagsosorry sakin :(

jezziCa:

el0 phoezzz = )

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX