DLSUCET
October 8, 2007tae. nakatulog ako. mag-aaral na dapat ako pero nakatulog ako at. ayun. ngayon pa lang talaga ako magsisimulang mag-aral para bukas.
shet. tulog na yung kakausapin ko.
ayun. ang hirap nung DLSUCET. feeling ko, mas madali pa yung ACET. pagkatapos kong kunin yung DLSUCET, isang salita lang ang tumatak sa isipan ko : ASA. Naging kaibigan ko ang letrang C o kaya B sa pagkapa ng tamang sagot na hindi ko alam kung alin dun. pero syempre, hindi naman ako nanghula sa buong test. sa kalahati lang. hahaha! hindi rin. joke lang ulit yun. sa mga items lang na ayaw ko ng balikan at mga items na hindi na pwedeng balikan dahil, wika nga ng aking proctor, " Time's up. Stop answering. Proceed to the next part of the exam. " Gusto ko pa naman mag-aral dun dahil maganda raw ang Civil Engineering dun. Kaya lang, pano na? ang pangit ng score ko siguro sa test na yun. ay naku… Naguguho na ang pangarap kong maging lifter sa DLSU Pep Squad.
Ang buhay, parang test sa DLSU. Mahirap. Minsan, wala ka talagang mapagbabasehan ng mga desisyong nais mong gawin dahil una wala kang mapagtanungan ng kung anong tamang gawin at dahil wala ka rin namang dating karanasan sa mga mahahalagang bagay na kailangan pagdesisyunan. Kailangan mong galingang mag mini mini may ni mo dahil kung hindi, baka mawalan ka na lang ng isang kidney paggising mo. Pero, pwede ka ring hindi manghula, yun eh kung alam mo yung tamang sagot o tamang gawin at ito ang pinakaligtas na daan sa pagkamit ng tagumpay [ Naks ]. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang mga taong tatanga-tanga. Kailangan street smart ( Tipong mga lolang naglalagay ng pera sa loob ng bra nila para hindi masnatchan. yun yung street smart [ so pag lalake, sa loob ng brief. nyahaha] ). [ ang labo ng paragraph na ito. ]
okay. mag-aaral na talaga ako. hahaha
Happy M.U. Day. >:D<
october 7
October 7, 2007i hope to get lucky at the DLSUCET later.
i hope i pass.
gtg.
ligo na muna ako.
saturday
October 6, 2007okay naman tong day na to. naging productive ako plus i had fun too.
arrived at ateneo mga 3 pm, went to caf and saw cu, bojee, carl and rc. they were eating and since kakakain ko lang before i left the house, naisip kong pumunta na lang sa rizal library to look for references i could use for my english paper. humabol si braga pero he left rin agad cause he had an asthma attack. sabaw eh. so, i looked for stuff alone.
hahaha. okay pala maglibrary dun kapag hindi naka high school uniform. hindi dyahe. hahaha. nagpanggap akong college. =))stayed there until it closed at 6. i have to go back pa dahil i wasn't able to get 2 articles photocopied. killer pila dun sa mga xerox, yung mga tao, isang buong libro kung magpaxerox. halimaw eh. may 5 xerox machines dun at talagang palipat lipat ako dahil ayaw kong pumila ng matagal.
yun left at 6 and went to the high school to watch 2 plays at dulaang sibol.
ang ganda nung play. medyo nambitin yung paa ng kuwago. kaya, medyo di ko gets ending. yung sino ba sila naman, maganda. nakakatawa. hahaha. ang kulit eh.
ang galing ni meg at billie! =))
after nun, pumunta kaming flaming wings ni cu, jed, ako, braga, henni and her friends. kumain lang tapos, bigla na lang nanlibre si ian. hahaha. rich kid eh. masarap yung oreo dessert. bibili ulit ako nun next time. hahaha.
okay. tamad na ako. bye
timang na ako
October 4, 2007
pansin ko. ambobo ko na.
ewan ko, pero kanina, nakakabobo yung pakiramdam na kahit anong piga mo sa isip mo, talagang walang magandang lumalabas. may contest akong sinalihan kanina. pagsusulat ng tula. feeling ko ampangit nung sinulat ko, satisfied naman ako sa mensahe ko pero, ewan, parang kulang lang talaga yung isinulat ko para manalo. hirap na hirap na akong magisip ng mga salita na humuhuli sa ideyang gusto kong palabasin. sobrang, naubos yata yung mga salita na nasa utak ko. ito yung mga iniisip kong dahilan sa aking pagiging bobo na:
* late na ako usually matulog. ( nakakaubos ng brain cells ang pagpupuyat. )
* hindi na ako nanonood ng tv o nakikinig sa radyo. ( wala akong alam na current events. epekto: hirap mag-isip ng topics na pwedeng gamitin sa school sa kahit anong pinapasulat. kumbaga, 2007 na, pero, ginagamit ko pa rin yung people power 1 bilang simbolo ng pagkakaisa.
bobo di ba?
* hindi ako masiyadong nakakalabas/nakakalibot/nakakakita ng kung anong bago sa labas ng mundo. ( yun din, parang sa tv. uhm, iniisip ko pa ring cool ang havainnas (spell check). )
* may pagkaintrovert/tahimik ako kaya konti lang ang mga balitang naririnig ko sa mga tao.
* hindi yata masustansya nakakain ko. ( poor nutrition leads to boboness. sabaw. =)) )
* stressed yata ako or something, kulang sa paglilibang. ganun. nakakaapekto yun dahil minsan, mahirap magisip kapag pagod na pagod ka na at stressed.
* wala na akong sport. medyo malabo to, pero ewan ko. feeling ko, ambagal ko na mag-isip dahil hindi na active yung katawan ko, siguro may effect din yun o nambobola lang ako. =))
ayun wala na akong maisip na pwedeng nagdudulot ng aking unti-unting paghina sa pag-iisip. so syempre, ito yung mga naisip kong solusyon
* lumabas kahit isang beses man lang sa isang linggo.
* manood ng tv at makinig ng radyo, sa balita , sa showbiz sa lahat.
*magbasa ng kung ano ano. libro, magazine, dyaryo
* magtime management (super doable) para makatulog ng maaga.
* magpahinga, o kahit anong magpapawala ng stress.
okay. tamad na ako magblog. hahaha. sana makuha ko na iPod ko! miss ko yun ehhh…
ay.
entrance test ko na pala sa DLSU.
hahaha. sana pumasa ako. gusto kong mag-aral dun kahit malayo.
yun na siguro yung last na test na itatake ko this year unless ayain pa ako ng magulang kong magtake sa iba pa.
) hahah. oh.
kung sipagin ako… SAT na rin. harharhar. feeling mag aral sa dayuhang bansa eh. =))
octoberfest
October 1, 2007kumalat ang balita kaagad sa classroom. ang sabaw. para tuloy na mas chismoso pa ang boys kesa girls. konti lang naman talaga yung sinabihan ko nung mga panahong humahagulgol pa ako, (joke) mga 4 lang. tapos. bigla na lang, pag pasok ko, may mga nagsasabi ng kung ano anong nakakagaan ng loob, dahil, nalaman ko na nag-aalala rin pala mga kaklase ko sa akin.
okay lang yan chucks.
chucks! kung badtrip ka, nandito lang ako, kain tayo! =))
chucks, gusto mo ba ng hug ko? =))
chucks, magwalis ka na ulit sa bahay. ( para raw makamove on kaagad. )
chucks, inuman na lang tayo. ( naisip ko, okay, octoberfest .
)
okay lang yan, at least, free ka na. ( ang sabaw nito, pero, okay lang. at least umeffort na icomfort ako. hahaha =)) )
basta yun, yung iba naman, nagpakwento. so, kwinento ko. tapos yung iba, lalapit na lang tapos hihimasin ako sa likod. tapos yung isa naman yinakap na lang ako bigla.
pinakasabaw talaga yung moderator ko. hahaha. lesson kasi namin today sa td, uhm, nature of human persons. yun ata yun. anyway, ako lang yung pinaginitan niya isample. tapos, kung ano-anong sinabi niya tungkol sa pag-ibig and stuff. tapos. nagplay pa siya ng song na wala, talgang tumalab. hindi ko na alam yung title. basta, brian mcknight yun eh. =)) tapos, nakahalata siyang may mali dahil sa mga taong humihirit. lumapit siya, tapos, sabi niya. " kamusta na kayo? what's up? " i was like, " uhm, sir.. we broke up. " siya, " oh my God! really? i'm speechless! sorry! foul nga yung ginawa ko! " tapos lumayo siya dahil may kinausap. tapos, lumapit ulit at minasahe ako sa likod. hahaha. ang benta eh. =))
ayun. ewan ko. hindi pa rin ako sigurado kung okay na ako. feeling ko malungkot pa rin ako dahil sa nangyari. feeling ko okay naman dahil naguusap pa rin naman kami. na parang walang nagbago. pero, mananatili bang ganon?
takot ako sa posibleng mangyari. dahil, marami talagang magbabago dahil hindi maiiwasan yon. dati, noong kami pa, kumpiyansa akong walang mangyayaring masama dahil,yun, exclusive kami sa isa't isa. eh pero ngayon, may possibility na may makita siyang iba, o may makita akong iba, which is ayaw ko dahil hindi ako sigurado kung makakaya ko bang makitang may kasama siyang iba.
ewan ko ba. ang complicated lang talaga.
ang isa pang pinakaayaw ko, hahaha, hindi ko na siya mabibisita kahit anong oras. wala lang. pag sa school kasi, pwedeng anytime lang. sabaw. pero kung sa bahay, okay rin naman, pero, kailangang hindi masyadong madalas. at, shy ako eh. =)) hahhaa, sabaw.
sana lang talaga walang magbago. mahal na mahal ko siya.


