DLSUCET
October 8, 2007tae. nakatulog ako. mag-aaral na dapat ako pero nakatulog ako at. ayun. ngayon pa lang talaga ako magsisimulang mag-aral para bukas.
shet. tulog na yung kakausapin ko.
ayun. ang hirap nung DLSUCET. feeling ko, mas madali pa yung ACET. pagkatapos kong kunin yung DLSUCET, isang salita lang ang tumatak sa isipan ko : ASA. Naging kaibigan ko ang letrang C o kaya B sa pagkapa ng tamang sagot na hindi ko alam kung alin dun. pero syempre, hindi naman ako nanghula sa buong test. sa kalahati lang. hahaha! hindi rin. joke lang ulit yun. sa mga items lang na ayaw ko ng balikan at mga items na hindi na pwedeng balikan dahil, wika nga ng aking proctor, " Time's up. Stop answering. Proceed to the next part of the exam. " Gusto ko pa naman mag-aral dun dahil maganda raw ang Civil Engineering dun. Kaya lang, pano na? ang pangit ng score ko siguro sa test na yun. ay naku… Naguguho na ang pangarap kong maging lifter sa DLSU Pep Squad.
Ang buhay, parang test sa DLSU. Mahirap. Minsan, wala ka talagang mapagbabasehan ng mga desisyong nais mong gawin dahil una wala kang mapagtanungan ng kung anong tamang gawin at dahil wala ka rin namang dating karanasan sa mga mahahalagang bagay na kailangan pagdesisyunan. Kailangan mong galingang mag mini mini may ni mo dahil kung hindi, baka mawalan ka na lang ng isang kidney paggising mo. Pero, pwede ka ring hindi manghula, yun eh kung alam mo yung tamang sagot o tamang gawin at ito ang pinakaligtas na daan sa pagkamit ng tagumpay [ Naks ]. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang mga taong tatanga-tanga. Kailangan street smart ( Tipong mga lolang naglalagay ng pera sa loob ng bra nila para hindi masnatchan. yun yung street smart [ so pag lalake, sa loob ng brief. nyahaha] ). [ ang labo ng paragraph na ito. ]
okay. mag-aaral na talaga ako. hahaha
Happy M.U. Day. >:D<


