timang na ako
October 4, 2007
pansin ko. ambobo ko na.
ewan ko, pero kanina, nakakabobo yung pakiramdam na kahit anong piga mo sa isip mo, talagang walang magandang lumalabas. may contest akong sinalihan kanina. pagsusulat ng tula. feeling ko ampangit nung sinulat ko, satisfied naman ako sa mensahe ko pero, ewan, parang kulang lang talaga yung isinulat ko para manalo. hirap na hirap na akong magisip ng mga salita na humuhuli sa ideyang gusto kong palabasin. sobrang, naubos yata yung mga salita na nasa utak ko. ito yung mga iniisip kong dahilan sa aking pagiging bobo na:
* late na ako usually matulog. ( nakakaubos ng brain cells ang pagpupuyat. )
* hindi na ako nanonood ng tv o nakikinig sa radyo. ( wala akong alam na current events. epekto: hirap mag-isip ng topics na pwedeng gamitin sa school sa kahit anong pinapasulat. kumbaga, 2007 na, pero, ginagamit ko pa rin yung people power 1 bilang simbolo ng pagkakaisa.
bobo di ba?
* hindi ako masiyadong nakakalabas/nakakalibot/nakakakita ng kung anong bago sa labas ng mundo. ( yun din, parang sa tv. uhm, iniisip ko pa ring cool ang havainnas (spell check). )
* may pagkaintrovert/tahimik ako kaya konti lang ang mga balitang naririnig ko sa mga tao.
* hindi yata masustansya nakakain ko. ( poor nutrition leads to boboness. sabaw. =)) )
* stressed yata ako or something, kulang sa paglilibang. ganun. nakakaapekto yun dahil minsan, mahirap magisip kapag pagod na pagod ka na at stressed.
* wala na akong sport. medyo malabo to, pero ewan ko. feeling ko, ambagal ko na mag-isip dahil hindi na active yung katawan ko, siguro may effect din yun o nambobola lang ako. =))
ayun wala na akong maisip na pwedeng nagdudulot ng aking unti-unting paghina sa pag-iisip. so syempre, ito yung mga naisip kong solusyon
* lumabas kahit isang beses man lang sa isang linggo.
* manood ng tv at makinig ng radyo, sa balita , sa showbiz sa lahat.
*magbasa ng kung ano ano. libro, magazine, dyaryo
* magtime management (super doable) para makatulog ng maaga.
* magpahinga, o kahit anong magpapawala ng stress.
okay. tamad na ako magblog. hahaha. sana makuha ko na iPod ko! miss ko yun ehhh…
ay.
entrance test ko na pala sa DLSU.
hahaha. sana pumasa ako. gusto kong mag-aral dun kahit malayo.
yun na siguro yung last na test na itatake ko this year unless ayain pa ako ng magulang kong magtake sa iba pa.
) hahah. oh.
kung sipagin ako… SAT na rin. harharhar. feeling mag aral sa dayuhang bansa eh. =))


