Home » Archives » 01. October 2007

octoberfest

October 1, 2007

kumalat ang balita kaagad sa classroom. ang sabaw. para tuloy na mas chismoso pa ang boys kesa girls. konti lang naman talaga yung sinabihan ko nung mga panahong humahagulgol pa ako, (joke) mga 4 lang. tapos. bigla na lang, pag pasok ko, may mga nagsasabi ng kung ano anong nakakagaan ng loob, dahil, nalaman ko na nag-aalala rin pala mga kaklase ko sa akin.

okay lang yan chucks. 

chucks! kung badtrip ka, nandito lang ako, kain tayo! =))

chucks, gusto mo ba ng hug ko? =))

chucks, magwalis ka na ulit sa bahay. ( para raw makamove on kaagad. )

chucks, inuman na lang tayo. ( naisip ko, okay, octoberfest . :) )

okay lang yan, at least, free ka na. ( ang sabaw nito, pero, okay lang. at least umeffort na icomfort ako. hahaha =)) )

basta yun, yung iba naman, nagpakwento. so, kwinento ko. tapos yung iba, lalapit na lang tapos hihimasin ako sa likod. tapos yung isa naman yinakap na lang ako bigla. 

pinakasabaw talaga yung moderator ko. hahaha. lesson kasi namin today sa td, uhm, nature of human persons. yun ata yun. anyway, ako lang yung pinaginitan niya isample. tapos, kung ano-anong sinabi niya tungkol sa pag-ibig and stuff. tapos. nagplay pa siya ng song na wala, talgang tumalab. hindi ko na alam yung title. basta, brian mcknight yun eh. =)) tapos, nakahalata siyang may mali dahil sa mga taong humihirit. lumapit siya, tapos, sabi niya. " kamusta na kayo? what's up? " i was like, " uhm, sir.. we broke up. " siya, " oh my God! really? i'm speechless! sorry! foul nga yung ginawa ko! " tapos lumayo siya dahil may kinausap. tapos, lumapit ulit at minasahe ako sa likod. hahaha. ang benta eh. =))

ayun. ewan ko. hindi pa rin ako sigurado kung okay na ako. feeling ko malungkot pa rin ako dahil sa nangyari. feeling ko okay naman dahil naguusap pa rin naman kami. na parang walang nagbago. pero, mananatili bang ganon?

takot ako sa posibleng mangyari. dahil, marami talagang magbabago dahil hindi maiiwasan yon. dati, noong kami pa, kumpiyansa akong walang mangyayaring masama dahil,yun, exclusive kami sa isa't isa. eh pero ngayon, may possibility na may makita siyang iba, o may makita akong iba, which is ayaw ko dahil hindi ako sigurado kung makakaya ko bang makitang may kasama siyang iba.

ewan ko ba. ang complicated lang talaga.

ang isa pang pinakaayaw ko, hahaha, hindi ko na siya mabibisita kahit anong oras. wala lang. pag sa school kasi, pwedeng anytime lang. sabaw. pero kung sa bahay, okay rin naman, pero, kailangang hindi masyadong madalas. at, shy ako eh. =)) hahhaa, sabaw.

sana lang talaga walang magbago. mahal na mahal ko siya.

Posted by chucks at 6:48 pm | permalink | comments[4]

     

October 2007
M T W T F S S
« Sep   Nov »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Message Board

Ignorer:

I’ve only spent a short amount of time in the Philippines but I must say it’s a wonderful place. But anyway, I just wanted to stop by because I’m reading blogs about Manila. and found your site on yahoo. If you can share any tips on things I must do while here in manila then I would really love to hear them

marikit:

I enjoy reading your blog! :) This is really a good read. added you to my favorite blogs. :) hope you read mine and add me too. :)

John:

Loving the blog, is it free to get i.ph?

chep:

alam kong hindi lang tong mga post mo ang makulit pati ikaw mismo makulit hahahaha

Mia:

Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog din ang sabaw! Pre, galing ng site mo! Naaliw ako sa mga makulit na insights! Keep it up, and will add u on my blog reads. Peace!

chris:

wow nice..

ang kulet ng blog site.. next time gawan mu naman ng ulam at kanin na.. hehe

Anon lang:

3rd ka sa results pag ginoogle mo ang ’sabaw’. (Kaya rin ako napadpad dito.) Ayos, ipagpatuloy mo yan! \m/

bern:

HEY! you’re from UPD engg din??! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

ceedee:

blog hop! :)

tink:

may i know the name of your dad? are you from penaranda?

tiffany charoline yhap:

hi!!

6uiz..

rhein:

padaan sa page mo :-P

xdalisayx:

hehe. tama ka, ilabas ang mga kaek-ekan, ang lahat ng sama ng loob. salamat din sa pagdaan sa sayt ko. hehe.

Bangs:

WIN ang words of beerdom. :D

Pogi:

Pogi pakiss!

Anna Maningas:

Eow powhz. ^^

Pach:

is your number 1 fan, sorry i don’t get to read much. will update myself with your aweome insights. goodluck in your writing career, much love.

daddy orlando:

di ka pa nagsosorry sakin :(

jezziCa:

el0 phoezzz = )

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX