Home » Archives » September 2007

incomprehensible

September 29, 2007

hindi ko maintindihan kung bakit kailangang umabot sa ganito.

hindi ko mahanap ang mga salitang sapat na maipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. basta nakalulungkot ng sobra. tipong mas okay pa yung ibagsak lahat ng subject kesa ito. siguro, nakakalungkot ng sobra yung alam mong mawawala yung pinanggagalingan ng kaligayahan.

ang OA ko, mag-uusap pa rin naman tayo. pero. ewan ko. hindi ko talaga matanggap yung desisyon mo.

tinatamad na akong pumasok o gumawa ng kahit ano. magmumukmok na lang ako 24/7.

Posted by chucks at 4:14 pm | permalink | comments[2]

wrong spelling

September 27, 2007

-yun na siguro yung pinakasabaw na isigaw ng ateneo side kanina sa game. 

it was fun watching it live pala in araneta. much better than watching at home. tapos yun,may delay pala yung studio 23 at yung actual game. hahaha. sabaw. akala ko live na live talaga. onga pala, ateneo won. woohhooo! :D

i didn't watch the whole game though, left after the half time show.  I want to be a lifter of the DLSU Pep Squad. hahahaaha! joke lang!

I was so relieved to see that it's not raining outside, muntik na akong bumili ng payong. 

pumunta akong lrt para makarating sa uste para bisitahin ang aking bebz dahil hindi siya mabuti nitong mga nakaraang araw at feeling ko sasaya siya pag nakita niya yung pag mumukha ko. kung hindi siya bumuti dun, sana, sumaya siya sa teddy bear at kisses na dala ko for her. hahaha 

nabitin lang talaga. kasi dumating agad yung sundo niya. okay lang, at least nakapagkita naman kami kahit papaano. namiss ko na kasi yung looks niya. at yung amoy niyang mabango. minsan gusto kitang kagatin sa bango mo. =))

saturdate ha. sana matuloy. :)  

 

Posted by chucks at 7:30 pm | permalink | comments[1]

nobela

September 24, 2007

friday:

woohoo! ang  saya ng fall out boy concert! :) watched it with sprix, lex, mikko and carissa. ang galing. ang cool. natuwa ako sa mga tinugtog nila. they played parts of Akon's Don't Matter and Michael Jackson's Beat It ( yun ata title 'nun. ). tapos yun yung mga kanta rin nila na sikat. may mga video ako pero di ko mapost dahil sira ang smart bro. natapos yung concert ng around 10:15, people were still shouting for more and still continued to cheer pero hindi nagpa-uto ang FOB. kaya yun. sad. hindi na sila lumabas ulit pero binato nila yung red shirt ni pete at drumsticks nung drummer at picks ni patrick. Sulit rin naman pala yung upper b tickets, hindi ganun kalayo tulad ng inakala ko. pwede na. =)) 

 saturday:

hindi nagalit parents ko, akala ko magagalit sila nung malaman nilang Mapua Entrance Test ko pala that day.

Mom : Sira ka talaga, alam mo namang may test ka kagabi nagconcert ka pa.

yun lang. hindi na nila ako pinagalitan masyado. pinaalis na rin nila ako agad para raw hindi ako malate, at buti na lang umalis ako agad dahil malalate cguro ako dahil sa sobrang layo at ilang beses pa kaming naligaw. 

okay naman yung test, hindi ganun kahirap. natapos ko naman agad. ewan. feeling ko papasa ako. pero, ayaw kong maging kampante. mahirap ng madisappoint.

tinawagan ko si mommy dear and i told her na i'm done na with the test and told her na nadalian ako.

Mom: Nadalian ka? Dapat pala magconcert ka na lang parati bago mag-exam.

grabe. naka naman sa hirit si mommy. =))

tapos nun, umuwi na kami dahil may pupuntahan pa kaming handaan. :) yay! nakapunta ako. at. nakakain ng masarap na pagkain. nakalaro ng xbox yung mga utol ko. and. isinolo ako ng isang tao. :) so. super saya ng saturday night ko. :)

sunday:

gumising ako ng maaga para naman sa ust exams. hindi na kami nagkita ni juts dahil natraffic ata siya. si apple naman ay nasa bahay pa nung tito niya so hindi na rin kami nakapagkita before the test. buti na lang, may kasama ako sa pila. hindi ako nainip. ang sabaw ng mga guard dun.

Guard: Yung mga parents, please lumayo na kayo sa mga anak niyo at tumungo sa may fountain, pwedeng maligo dun.

Guard 2: Hay naku, bakit may sumisingit sa pila jan? Huwag nang palipat-lipat, nakikita kayo ni Lord. 

natawa ako. buti nalang. nakakawala ng kaba. 

so yun, nadalian rin ako. sa mental ability test, natapos ko naman kahit it was designed not to be finished. sa english, kahit hirap ako dun, natapos ko 15 minutes before the time. sa math, natapos ko in 25 minutes. tapos yung science in 20 minutes. sabaw. ang bilis ko sumagot. yung katabi ko, hindi niya natapos yung MAT at meron siyang 2 column na blank, 15-20 items ( oo, sinisilip ko papel ng mga tao para icheck kung natapos ba nila o hindi. sabaw. bat koba ginagawa yun? haha )

nagkita kami ni juts at lumibot sa carpark at kumain. masarap yung plato wrap. hindi marap yung mexican place. tae. hahha. bumili ako ng burrito dun tapos, puro kanin lang laman at super konting beef. hindi man lang proportional eh. hay. ayun.

monday:

PTC. late na ako nagising at pero dumating ako sa ateneo ng mga 10 with ma and clinton. ayun , 3rd honor ako at st. stanislaus kostka award pa(mabait na bata award). hahaha. sayang lang kasi .08 pa sana sa QPI ay nagsecond honor na ako. hayy. :( nabitin eh. kailangang makatsamba ng second honor ngayong term.

after ko makuha card ko at masigurong 100 km na ang layo ng parents ko sa ateneo, napagdesisyunan kong bisitahin ang taong nagbibigay inspirasyon sa akin. at yun. ipinagyabang ko lang na 3rd ako kahit parati na lang akong third. 4th time na to eh. tapos, yun, sabay kami naglunch at nag-PDA moment lang kami sa labas sandali. joke. =)) tapos yun, ayaw niya icut yung subject niya so napilitan akong iwan siya kahit ayaw ko pa talaga dahil sabik na sabik akong makita siya parati kahit kakikita lang namin nung sabado. hahaha. ewan ko ba. nakakamiss kasi siya kasama. at masyado kasing makamandag ang looks niya kaya forever ko na siyang mamahalin. ;)

ayun.

tapos na akong magblog.

hahaha. sira pala smart bro ko so itatawag ko na ulit. naka dial up ako ngayon. :( cge, bye.  

Posted by chucks at 9:09 pm | permalink | comments[8]

mommy day

September 19, 2007

birthday ni ma today. and we went out. =)) ambobo ko talaga, hindi ko siya binati kaninang umaga, masyado pa siguro akong inaantok or something.

dad picked us up at school and on the way home, he was asking us if we wanted to go out and celebrate. syempre. YES! hahaha!

we got home, i saw ma, kissed her, greeted her, went to my room, studied a bit then took a bath then left for trinoma.

we ate at Teriyaki Boy and yun., we ordered a lot. grabe. i mean really a lot.  <b> Masibang Pamilya </b>

after eating dad said na we could go play at timezone until 9, plus he gave us money na rin. Yehey! nakaubos ako ng 250. adik. :D

unexpectedly, i played basketball. sobrang random na gawin ko yun. hindi ako magaling. i really don't play basketball kasi. hahaha. i suck at it actually. tapos yun, i scored 120 + something. ACHIEVEMENT! =))

(unang beses nga pala gumana ng i.ph so nagboblog ako now that it's working again. )

 In school, we had to make this car for physics. i brought the materials lang 'cause i didn't have a glue gun or anything necessary to build the car at home. even masking tape. :c when i got to school, I crammed it before reflection period. finished it naman. ha! B-) tapos, physics period, our cars were tested to see if it could cover the required 5 meters distance with Snoopy riding the car (maliit na stuff toy that's supposed to put a little weight on the car and like make the car slow a bit and have less acceleration. ATA. haha :D ) my turn. my car covered 14 meters! hahaha! record daw. then i went for another try then it covered 17-18 meters more or less but my physics teacher didn't record it na. :( but still, best car in class. my car covered the farthest distance. (me bragging. =)) ) :D

 FOB concert on friday! :) ) i hope payagan ako. and my parents are still unaware of the fact that my Mapua entrance test is on Saturday. and ust's on sunday naman. so weird., why don't i update them about those things? hahaa. suspense. certified sabaw-enhancing and brain-busting weekend.

okay.

sabog to ah

kumbaga shotgun

kung anoano lang sinulat eh.

:))

yun

may gusto akong puntahang party sa sabado. sana ma-invite kami. at sana. makapunta ako. :D

Posted by chucks at 10:05 pm | permalink | comments[1]

no classes

September 11, 2007

walang pasok bukas, dahil kay erap. =))

buti na lang wala, siguro, hindi na ako makakauwi bukas. haharangan ng mga raliyista ang commonwealth at asa pa akong makauwi ng buhay at ligtas.

dahil walang pasok bukas, pwede akong magpahinga to da max. pwede rin akong lumabas. kaya lang! sa sm fairview lang siguro. tangena, hindi ako makakadaan sa commonwealth eh. hay. walang kwentang free day. so i guess tambay to da max sa bahay at mag-aaral na rin siguro ako. hahha. =))

miss na kita. gusto na kitang makita ulit. :)

Posted by chucks at 7:23 pm | permalink | comments[1]

     

September 2007
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930

Message Board

Mia:

Ngayon ko lang nalaman na nakakabusog din ang sabaw! Pre, galing ng site mo! Naaliw ako sa mga makulit na insights! Keep it up, and will add u on my blog reads. Peace!

chris:

wow nice..

ang kulet ng blog site.. next time gawan mu naman ng ulam at kanin na.. hehe

Anon lang:

3rd ka sa results pag ginoogle mo ang ’sabaw’. (Kaya rin ako napadpad dito.) Ayos, ipagpatuloy mo yan! \m/

bern:

HEY! you’re from UPD engg din??! :)

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

ceedee:

blog hop! :)

tink:

may i know the name of your dad? are you from penaranda?

tiffany charoline yhap:

hi!!

6uiz..

rhein:

padaan sa page mo :-P

xdalisayx:

hehe. tama ka, ilabas ang mga kaek-ekan, ang lahat ng sama ng loob. salamat din sa pagdaan sa sayt ko. hehe.

Bangs:

WIN ang words of beerdom. :D

Pogi:

Pogi pakiss!

Anna Maningas:

Eow powhz. ^^

Pach:

is your number 1 fan, sorry i don’t get to read much. will update myself with your aweome insights. goodluck in your writing career, much love.

daddy orlando:

di ka pa nagsosorry sakin :(

jezziCa:

el0 phoezzz = )

Erica:

what Jio said. :) ) how old is this blog? baka naman one day, you’ll be a famous blogger, the one Pinoy pop culture books are made out of :) )

kath:

makikiran lang po

pat:

hoy may blog ka pala. sa multiply mo na ipost!!!! :) )

chucks:

Onga e. Pota. Pasensya naman a. Tangena. hahaha

Leave a message ▼

Ang Gumagawa ng Sabaw

Pag humihigop ka ng sabaw,

Nabablanko yung isip mo.

Nawawala yung mga problema.

Parang Beer pero iba ang tama.

Iniisip mo lang yung sabaw.

Nag-iingat ka na hindi mapaso.

Iniisip mo kung kulang pa sa asin o paminta.

Higop lang. Tapos pag ubos na, babalik lahat ng iniwan mo at itataas mo yung kamay mo sabay, " Waiter, sabaw pa nga. "

 

 

Nagbloblog ako kasi kapag tinatamad akong mag-aral ginagawa ko nagsusulat na lang ako ng kalokohan. Dahil pagkatapos kong magsulat ng kalokohan, hindi pa rin ako nakakaaral kasi ikinakalat ko sa mga kaibigan ko. Kaya ayun. Ewan ko lang kung gagraduate ba ako. Also, umaasa akong may makikipagsex sa akin dahil sa mga blog ko, tipong may matuturn-on ba ganun. That's the dream. Babay

Sponsored Links

XXXXXXXXXXXXX