galit ako
August 20, 2007kararating ko lang galing sa nueva ecija. birthday kasi nung lolo ko. 69 na siya.
okay naman. masaya. masarap yung pagkain. tapos. yun. inuman! =)) sayang, gusto ko pa naman itry kung anong pakiramdam ng lumangoy sa pool habang basag/wasak. ewan ko. siguro malulunod ako o kaya susukahan ko yung pool at mandidire lahat ng tao at aahon at dun na magsisimula ang pagkalugi ng negosyo ng tito ko.
dun kami natulog. sobrang nabadtrip talaga ako. gusto ko kasi umuwi. at hindi natuloy yung night swimming namin.
pagdating ko sa bahay, bad news.
sira yung internet namin. waaa.
i tried to fix it. hinaham pas ko yung router. inunplug tapos plug yung router. tapos, tinanggal ko yung cable tapos nilawayan ko tapos kinabit ulit ( JOKE! =)) ). nirestart yung pc. nag-hail mary sandali. tapos, ni right click yung internet connection icon sa system tray na parang may alam talaga at may magagawa talaga sa pag right click na yun. walang nangyari.
letseng smart bro yan. mamatay na sila. nagbabayad naman kami every month eh. keep the change pa nga kasi 999 tapos 1000 ipinambabayad namin. tangena, anong silbi nung "panatang smart bro" eklat nila. di ba? kalokohan yun. pogi pa man din endorser nila sa tv sabay sablay services nila, sinisira nila credibility nung poging bagets na yun mehn.
sinubukan kong tawagan yung smart bro customer care hotline dahil kailangan ko ng taong makikinig sa aking mga hinaing patungkol sa kanilang walang kwentang serbisyo at matatanungan ng kung ano na bang latest sa showbiz happening ngayon. pero walang sumasagot. tae. holiday nga pala.
so, ayun, nandito ako sa netopia ngayon. =)) kailangan ko kasing magprint ng english exercises para maaral para sa long test namin bukas. waah. tapos. titignan ko rin pala ang bagong album ng aking bebs my lab. tapos. yun. naisipan ko rin magblog. haha! tae, nagboblog sa internet cafe amp. skwater. haha. joke. =))
tapos na yung 6 day weekend. Muntik na akong mabulok at kainin ng earthworms, centipede, langaw, bangaw, at nung anak nilang maggots sa sobrang pagkainip. Di man lang ako nakalabas. Di man lang ako nakapanood ng bagong movie. di man lang ako nakipagkita sa mga kaklase ko para gumimik o kaya magdota o kaya kumain o kaya uminom o kaya magstudy group man lang. di man lang ako nakipagkita sa aking bebs my lab. hay. ang walang kwenta ng long weekend na to. sana hindi na lang bumagyo. tapos na sana yung english lt, td lt, math lt, cat exams. tapos, exams na lang this week.
so yun. back to school na bukas. hit the books. aral ulit para sa exams sa september. tae. hahaba coverage and all. aral to da max o aral after relax. that is the question. hahaha! =))
okay tama na. mapapabayad ako ng mahal dito. sa skies ako member eh. HAHA! okay bye.
Previous Comments
poor madel. is your internet back? lol. sabaw site, swear. :]] linked you na. finalleh. i’ll teach you how to next time you go ol. haha.
Posted by Kai at August 22, 2007, 9:21 pmChristian Louboutin is very successful in the area of Louboutin Shoes
. The Christian Louboutin Pumps
which are designed by him are so special. Looking at the gorgeous Christian Louboutin Boots
, I smiled. Since then, Christian Louboutin Sandals
became a best friend of mine.
Add a comment



Ok.
Posted by gio at August 20, 2007, 2:49 pm