Paalam
August 18, 2007Kalokohan
noong sabihin mong "magpakailanman".
Ngayon, ika'y nasaan?
Iniwan akong luhaan.
Kaya.
Nais kong takasan
ang kulungang kinalalagyan.
Ako kasi'y bihag pa rin
ng ating bigong pinagsamahan.
Batid kong 'di na magbabalik
ang irog kong lumisan.
Subalit, hindi maisantabi ng isipan
ang iba't ibang ala-ala ng ating pinagsamahan.
Ang pusong umibig ang humahadlang
pagkat ito'y nanghihinayang
pakawalan
ang mga larawan ng ating nakaraang
nais ko nang iwan.
Kalimutan.
Anong kalungkutan
ba ang makapapantay sa aking pinapasan.
Wala.
Kaya't wawakasan na ang hirap na itong
pinagdaraanan.
At ngayo'y tumangkad at napalapit sa nakasinding bumbilya,
subalit karimlan ang nakikita't kawalan ng pag-asa.
Hindi makahinga.
'Di na muling masisilayan pa ang pagsikat ng araw sa silangan,
sapagkat narating na ang aking himlayan sa kanluran.
okay. ang feeling ko. hahaha! sorry naman sa akin, makata. hahaha! =))
binara ang sarili amp.
aalis na aako papuntang nueva ecija. Birthday ng aking lolo.
Malapit na matapos ang 6 day weekend. Please. Gimik tayo. =))
Previous Comments
Add a comment



haha… buti pa sa’yo makata… akin puro kaemohan lng… senxa pla npasama c madel khapon… haha… narinig nya ang mga mas na mas na mas emo ko pang mga kwento dahil madulas ang dila ko dulot ng Happy Horse… haha…
Posted by Bart at November 9, 2007, 6:10 am