aking mundo’y lunuring tuluyan
August 7, 2007kulang tayo sa ulan. nakakaasaar na. bumabalik ako sa pagkagrade school, laging umaasang may bagyong darating para masuspend yung classes. nagdadasal bago matulog. nakikinig sa am radio. kasi naman, andaming ginagawa. di sapat yung dalawang araw na weekend. kailangan natin ng break paminsan-minsan. hanggang ngayon, wala pa talagang malakas na bagyo na dumarating, kulang yung powers nila para masuspend yung classes. tae. hindi tama yun. ito na siguro yung pinaka-abnormal na taon sa buong buhay ko bilang estudyante dahil august na, tae linggo ng wika na, wala pa ring nasususpend na klase. sorry kung hindi ko naiisip yung mga taong napeperwisyo ng magyo, haha, makasarili lang ata talaga ako. Joke! hahaha
Yun. Linggo ng wika na nga pala. hahaha, kanina, pistambayan, nandun yung buong klase at nagtulungan sa pagdecorate ng classroom sa theme na pasalubong, balikbayan boxes, imported goodies, ofw etc. hahaha. sabaw, sana manalo kami or baka nga manalo kami. sobrang- okay masama ako - pangit kasi ng gawa ng iba. ewan, parang gasgas na yung dating at walang kaeffort-effort. hahaha. basta, ako yung nag-staple nung mga card things sa tali. yun lang. at least may naitulong. hahaha
YAY. <3 two months na.
i love you. <3 hahaha. mag-date na nga tayo soon! hahaha!


