winner!
August 22, 2007yay! andaming napalanunan sa Pinoytuntunan! Tulad ng hinala ko, yes, we won first place sa Pistambayan.
kanina, naalala ko na naman na last year ko na to sa high school. nakakalungkot kasi, next year, wala na akong Pinoytuntunan na pupuntahan at papanoorin. sad.
pero yun, masaya yung takbo ng pinoytuntunan kanina at masaya ako na hindi ko tinulugan yun.
Pinakapatalong nangyari today :
Kanina, pinagsisihan kong makatulog( okay, tulugan ) yung TD. Hindi naman ako tulog sa buong period, sa bandang dulo lang ng class. Pero, ang galing talaga ng timing kong matulog. Habang natutulog ako, dinidiscuss ng teacher namin yung project ata yun or something kung saan kailangan naming gumawa at magsulat ng kanta. Ang pinakamasaklap, isa pala ako sa mga pinili ng teacher namin para maging pinuno sa isa sa mga grupo. Takte, yari ako. Hindi ko alam ang gagawin. Groupmates! Sa inyo ako umaasa.=))
galit ako
August 20, 2007kararating ko lang galing sa nueva ecija. birthday kasi nung lolo ko. 69 na siya.
okay naman. masaya. masarap yung pagkain. tapos. yun. inuman! =)) sayang, gusto ko pa naman itry kung anong pakiramdam ng lumangoy sa pool habang basag/wasak. ewan ko. siguro malulunod ako o kaya susukahan ko yung pool at mandidire lahat ng tao at aahon at dun na magsisimula ang pagkalugi ng negosyo ng tito ko.
dun kami natulog. sobrang nabadtrip talaga ako. gusto ko kasi umuwi. at hindi natuloy yung night swimming namin.
pagdating ko sa bahay, bad news.
sira yung internet namin. waaa.
i tried to fix it. hinaham pas ko yung router. inunplug tapos plug yung router. tapos, tinanggal ko yung cable tapos nilawayan ko tapos kinabit ulit ( JOKE! =)) ). nirestart yung pc. nag-hail mary sandali. tapos, ni right click yung internet connection icon sa system tray na parang may alam talaga at may magagawa talaga sa pag right click na yun. walang nangyari.
letseng smart bro yan. mamatay na sila. nagbabayad naman kami every month eh. keep the change pa nga kasi 999 tapos 1000 ipinambabayad namin. tangena, anong silbi nung "panatang smart bro" eklat nila. di ba? kalokohan yun. pogi pa man din endorser nila sa tv sabay sablay services nila, sinisira nila credibility nung poging bagets na yun mehn.
sinubukan kong tawagan yung smart bro customer care hotline dahil kailangan ko ng taong makikinig sa aking mga hinaing patungkol sa kanilang walang kwentang serbisyo at matatanungan ng kung ano na bang latest sa showbiz happening ngayon. pero walang sumasagot. tae. holiday nga pala.
so, ayun, nandito ako sa netopia ngayon. =)) kailangan ko kasing magprint ng english exercises para maaral para sa long test namin bukas. waah. tapos. titignan ko rin pala ang bagong album ng aking bebs my lab. tapos. yun. naisipan ko rin magblog. haha! tae, nagboblog sa internet cafe amp. skwater. haha. joke. =))
tapos na yung 6 day weekend. Muntik na akong mabulok at kainin ng earthworms, centipede, langaw, bangaw, at nung anak nilang maggots sa sobrang pagkainip. Di man lang ako nakalabas. Di man lang ako nakapanood ng bagong movie. di man lang ako nakipagkita sa mga kaklase ko para gumimik o kaya magdota o kaya kumain o kaya uminom o kaya magstudy group man lang. di man lang ako nakipagkita sa aking bebs my lab. hay. ang walang kwenta ng long weekend na to. sana hindi na lang bumagyo. tapos na sana yung english lt, td lt, math lt, cat exams. tapos, exams na lang this week.
so yun. back to school na bukas. hit the books. aral ulit para sa exams sa september. tae. hahaba coverage and all. aral to da max o aral after relax. that is the question. hahaha! =))
okay tama na. mapapabayad ako ng mahal dito. sa skies ako member eh. HAHA! okay bye.
Paalam
August 18, 2007Kalokohan
noong sabihin mong "magpakailanman".
Ngayon, ika'y nasaan?
Iniwan akong luhaan.
Kaya.
Nais kong takasan
ang kulungang kinalalagyan.
Ako kasi'y bihag pa rin
ng ating bigong pinagsamahan.
Batid kong 'di na magbabalik
ang irog kong lumisan.
Subalit, hindi maisantabi ng isipan
ang iba't ibang ala-ala ng ating pinagsamahan.
Ang pusong umibig ang humahadlang
pagkat ito'y nanghihinayang
pakawalan
ang mga larawan ng ating nakaraang
nais ko nang iwan.
Kalimutan.
Anong kalungkutan
ba ang makapapantay sa aking pinapasan.
Wala.
Kaya't wawakasan na ang hirap na itong
pinagdaraanan.
At ngayo'y tumangkad at napalapit sa nakasinding bumbilya,
subalit karimlan ang nakikita't kawalan ng pag-asa.
Hindi makahinga.
'Di na muling masisilayan pa ang pagsikat ng araw sa silangan,
sapagkat narating na ang aking himlayan sa kanluran.
okay. ang feeling ko. hahaha! sorry naman sa akin, makata. hahaha! =))
binara ang sarili amp.
aalis na aako papuntang nueva ecija. Birthday ng aking lolo.
Malapit na matapos ang 6 day weekend. Please. Gimik tayo. =))
Hindi bagay ang yellow sa akin.
August 17, 2007Kung ano-ano na nagawa ko today dahil sa sobrang pagkainip.
Pagkagising ko, nagbihis ako. hindi na ako naligo kasi mahalagang mauna ako sa pupuntahan ko. Dumating ako sa SM ng 10:30. tapos pumunta ako sa department store, sa customer service. tapos bumili ako ng ticket. Lumabas ako sa department store. tapos pumasok sa ibang stores naman. MAy mga nakita akong shirt na gusto kong bilhin.
maganda eh. Yung isa, may mukha ni hitler. Tapos, yung isa naman, may design na puno, gusto ko yung kulay niya eh. Green. =)) Pumunta rin akong SM dahil gusto kong bumili ng album. Sobrang tagal ko nang hindi bumili. Huling binili ko was Akon's Konvicted. Sawa na tenga ko dun eh. =)) So. Plano ko talagang bilhin ay yung album ng Wake Up Your Seatmate. Wala, kasi, puro boses na lang ng lalake yung pinapakinggan ko. Tapos, yun, puro si Sitti na nga lang rin yung napapakinggan ko. Tapos, yun, magaganda rin raw kasi yung mga kanta nila. Narinig ko na yung dalawang na-release na and okay naman sa ain. hahaha. Tapos, ang hot nung drummer eh. hahaha!
Yan yung drummer. Hindi ko alam yung pangalan eh. Basta, ang hot niya pati dun sa mga music video. hahaha. ( Don't worry, ikaw pa rin labs ko. haha.
)
Tapos, pagdating ko dun. Sabi, naubusan na raw sila. Ang weird kasi dapat hindi sila nauubusan ng mga ganong bagay. Dapat parati silang may stock para sa mga taong tulad ko na isang taon nang lumipas nung irelease yung album saka palang bibili.
So yun. kesa umalis na walang nabili, naisip ko na bumili na lang ng album na kahit ano. Tapos, naghahalungkat ako tapos, nakita ko yung album ng the ambassadors.
The Ambassadors, galing ata silang Cebu. Tapos, dumating ng maynila. Tapos, napanood ko na sila once sa Ateneo nung fair ng High School. Okay naman sila live. pero, dahil hindi ko pa sila gaanong kilala noon, hindi ko sila masyadong pinansin.
Nung Binayaran ko na yung CD. Nakita ko na may bago na palang Pulp Magazine. Cover si Pepe Smith at Ely Buendia at yung iba pang guys sa commercial. So yun. dinukot ko at binayaran.
Pagsakay ko sa kotse, biglang lumakas yung ulan. As in lumakas talaga siya and at yun, naunawaan ko na minsan, pwede rin palang maging tama ang PAG-ASA.
Pagdating ko sa bahay. Nagphone sandali. Tapos, kumain ng tanghalian.
Nag-online ako, tapos, yun, hanggang ngayon, online pa rin. adik eh. hahaha
Sinubukan kong magsulat ng blog, pero, nagwala yung laptop ko, sinabaw bigla tapos kinailangan ko siyang irestart. Malamang, nawala yung una kong sinulat. So, ito na yung pangalawa kong attempt para magblog today. =))
Nagchat lang ako ng nagchat hanggang sa makawebcam ko si kaka. Wow. After so long, nagwebcam na ulit ako. hahaha. So yun. tapos, nagpalit ako ng yellow shirt pero, pangit so sinuot ko na lang ulit yung green shirt ko. Kasabawan ulit, youtube videos. tapos. bigla na lang truth or dare. puro truth lang actually. walang dare. hahaha.
chucks: bagay ba sa akin yung black glasses ko? Why? If yes, how will it affect the philippine showbiz industy? If No, how will it affect tomorrow's weather and the safety of those who are in peril because of our current weather situation?
chucks:
Veronica Javier: bagay sayo ang black glasses kasi…..
Veronica Javier: the philippine showbiz industry……
Veronica Javier: ACTUALLY
Veronica Javier: Teka
chucks: hahaha!
chucks:
Veronica Javier: if youb plan to be part of the philippine showbiz industry w/o your glasses, you will surely bring shame to them. kaya kailangan mo mag-glasses kasi yung ang disguise mo of gwapo-ness, and showbiz only picks gwapingeros
tapos ito pa.
Veronica Javier: kung may rason ka para magpakamatay, anong rason kaya yun?
Veronica Javier: hehehe
chucks: kung hindi pa ako tuli hanggang ngayon.
chucks:
Veronica Javier:
chucks: ay wait
Veronica Javier: watta reason
chucks: hindi pala
chucks:
chucks: ano.
chucks: pag nagka-period ako, and i have to wear feminine pads.
chucks:
chucks: cguro yun
chucks:
Veronica Javier: magandang rason
yun. wala na akong maisip. ang random nito. wala na akong masabi. haha
okay. bye na muna.
gusto kong lumabas. labas tayo! hahaha!
katamaran
August 16, 2007tinatamad ako.
tinatamad akong mag-aral para sa CAT exams at sa English Long Test para bukas.
Tinatamad akong kumain. Wala akong gana.
Matutulog dapat ako pero di ako makatulog.
Sana walang pasok bukas, anyway, na-move naman na yung exams. Sobrang dadami yung coverage. madadagdagan yung quizzes. babahain kami ng mga long tests. Ewan, tapos na dapat lahat this week kung hindi lang dumating yung mga bagyo. Ang wrong timing eh. hahahaha. Sana sipagin pa akong mag-aral hanggang matapos yung First Term. At sana, sapat lahat ng ginawa ko para mag-honor.
Gusto kong lumabas para sumaya at maaliw. Nakalulungkot lang talaga yung mga nangyayari lately. At nakakabobo tumambay sa bahay. hahaha.
okay. matutulog na lang ulit ako. bye.


