Matanda na ako
December 9, 2011Hindi na kaya ng katawan kong magpuyat, siguro dahil kulang ako sa kain. O sa abusong dulot ng mga bisyo. Pero sa malamang at sa malamang, kasi matanda na ako.
Siguro hindi naman ganun katanda. Pero matanda na ako.
Mahirap maging malaya. Mahirap maging masaya. Hindi na makapaglakwatsa. Kasi matanda na ako.
Bente uno anyos na nga ako, wala naman ng palabas sa sinehang porno. Sayang nawala, kung kelan matanda na ako.
Masarap sana bumiyahe kasi may pasaporte. Pero sa dami ng ginagawa, di nasusulit ang diskwento sa tiket kapag bata. Kasi matanda na ako.
Hindi na kasing tamis ang Spaghetti ng Jollibee. Kasi matanda na ako.
Ang dami nang sumasakit, ang likod, ang ulo, ang lalamunan. Nabubulok na yata ako. Kasi matanda na ako.
Laging pa ring may nasesermonan. Target ni ermats at ni erpats. Napagsasalitaan. Napapagalitan. Hindi na ko pinapalo. Buti matanda na ako.
After 7 Months
October 7, 2011I’d like to know my purpose. With the passing of Steve Jobs, I couldn’t help but retrospect on the things that I’ve been doing, and think of what I’d want to have in the future. There are so many possibilities, and with possibilities, there are opportunities, but it occured to me that what I lack, was direction.
Things would be so much easier if it involved commitment. Passion. Love.
I need to start working on my legacy.
21
March 19, 2011Matagal na akong hindi nagsusulat. Siguro wala na akong oras masyado. Siguro nagsawa na ako. Siguro wala na akong masulat. Siguro tumanda na kasi ako. Siguro tinamad na ko magsulat. Siguro nagkabuhay na ko. Siguro nag-iimbento na lang ako ng dahilan.
Mahirap takasan ang mga bagay na nakasanayan.
Maaga yata akong tumanda. Sa murang edad, ako mismo ang nagkahon ng sarili sa isang limitadong espasyo dahil ligtas at komportable.
Minsan binabasa ko yung mga nasulat ko noon. Di ko mapigilang tumawa. Madalas kasi ang sabog ko pala mag-isip noon. Marahil hanggang ngayon. Sana hanggang ngayon.
Pero matanda na yata ako. Hindi na kasing likot ang isip ko di tulad noon. At wala na ring lakas ng loob.
Sa pagtanda, may kasabay na responsibilidad. At sa aking pagsusulat, na kasing dalas ng pagsnow sa Pilipinas, pinipili ko nang maging politically correct. Kasi matanda na ako.
Nung 17 ako, naisip ko, sana 18 na ko para pwede akong makanood ng Maui Taylor movies sa SM. Nung 19 na ko, gusto ko na mag-21 para makapaglaro ako sa casino. Ngayon, gusto ko lang maging malikot kahit sandali.
Can’t Sleep
December 23, 2010Ang ibang tao, pag hindi makatulog, kung ano-anong shit ang ginagawa. May nagbibilang ng tupa, may nagspa-space out muna, may tumatagay ng alak, or may nagsesexy time. Kahit ano gagawin basta makatulog.
Kagabi, hindi ako makatulog. So nag-isip ako gumawa ng tula, or stanzas na may tugma since masyado nang matagal na panahon ang nakaraan noong huling nagsulat ako kaya baka hindi na talaga to tula, may tugmaan lang. I will try to remember what I came up with last night.
~~~
Basa ang bukirin,
Noong ito’y aking sisirin.
Walang kahambing,
Tamis na hinahain.
Habang kinakain ang P niya,
Nakikiliti ang reyna.
“Sige pa,” wari niya,
Tila musika sa ‘king tenga.
Ito na’t siya’y pinatos,
Hindi sapat ang banayad kong haplos.
Nagtakip ng mata ang Diyos,
Hanggang ang tao’y makaraos.
Buffets
October 22, 2010Gusto ko talaga sa Saisaki yung tempura nila. It tastes cheap yes, but once I start eating it, hindi ko na mapigil ang sarili ko.
Pabalik-balik ako. Hanggang maubos na, pero magrerefill din naman kaya hinihintay ko yun.
Alam kong masama sa akin ang tempura lalo na pag sobra. Cholesterol yun e.
Sana pag bago mabreach ang tempura overdose level, ititigil na mismo ng Saisaki maglabas ng tempura bago mamatay yung customers nila.


